Chapter IV (Manliligaw ako... kahit nasa bahay pa!!! ^O^)

96.4K 1.7K 287
                                        

"Any updates tungkol sa pag-aaral mo, baby?" Tanong ni Dad na kararating lang mula airport. Galing sila ni Mom sa labas ng bansa para asikasuhin ang business namin doon.

                                                                                       

Himala nga at umuwi pa sila. Akala ko, doon na sila poreber titira kasama ang negosyo namin na sila rin lang ang nakakaintindi.

"The usual. Exams, discussion, assignments. Torture, in short. Ano pa bang inaasahang kaka-busy-han ko ‘don?" Sagot ko habang pinagpapatuloy ang paglalaro sa cellphone ko.

"WEEEEHHH?!!!" bigla nyang epal. "Wag kang maniwala dyan Dad! If I know, may kabaliwan na namang ginagawa ‘yan sa school nya." Dagdag pa ni Kevin PAKIALAMERO. Kuya ko pala ‘yan.

"E ano naman ngayon kung meron nga?" Panghahamon ko sa kanya na di sya tinitignan.

"So, meron nga?"

"Yah~" diretso kong sagot na di na iniisip na maririnig nina Mom at Dad ang pag-uusap namin ng napaka-epal kong Kuya.

  

"YAN! Umamin na Dad o!" Tumabi sya sakin at inakbayan ako. "Isiwalat mo na yan sis!" Nakangisi nya pang pang-aasar sakin.

"Leche ka talaga." bulong ko sa kanya sabay irap.

“Just like you.” Lokong kapatid ‘to a, nagawa pa akong pandilaan.  

"Mei." Si Mom naman ngayon ang naupo sa kanang tabi ko and I know where this is going. "Anong sinasabi nitong Kuya mo na pinagkakaabalahan mo daw?" Nginitian nya ako habang pinipisil-pisil ang mga pisngi ko.

Napatingin naman ako kay Dad. And just like everybody else inside this house, gusto din nyang malaman base sa mga tingin nya sakin.

  

Kahit ayoko sanang magchika sa personal life ko, e sa ano pa magagawa ko? All eyes, all ears on me na kaya.  

"K fine." Sabi ko nalang. Flinip ko ang cellphone ko saka nagsalita,

"May nililigawan ako." 

Kakabukas ko pa lang sa browser nang cellphone ko nang biglang, "WOOOOOOOHHH! TOTOO?!" Si Kevin ulit, makareact daig pa babae. Tss. "Grabe sis! TIBO ka pala?"

Tibo?! Mukha ba akong tibo?! Humarap ako sa kanya at tinaasan sya ng kilay. "IT'S A GUY." It's even a geek.

Iniharap ni Mom ang mukha ko sa kanya at mababasa talaga sa mukha nya na nagulat sya sa binunyag ko. "Lalaki ang nililigawan mo, baby?!" 

Ano bang klaseng tanong ‘yan, Mom? Alangan namang babae dba?

I'm courting my geek Professor [PUBLISHED BY VIVA PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon