A/N: PLAY THE SONG SA GILID :") ♪ I miss you like crazy~
**
MEI's POV
I was like out of my mind that I immediately jumped on him and hugged him tight... so tight na pwede syang masakal. No need to explain why he dragged me here, thankful pa nga ako sa ginawa nya. Akala ko kasi pagsasarhan nya ako ng pinto nang makita ako.
"Hey."
Talo pa Signal #3 na bagyo sa buhos ng luha ko habang yakap-yakap sya. I missed him so much. I've been longing for this guy for too long. Alam kong weeks lang 'yon pero parang naging triple ang tagal ng isang araw na hindi ko sya nakakasama.
"Mei."
Kahit naririnig ko ang mga sinasabi nya, I pretended not to. Mas lalo kong hinigpitan ang yapos ko sa kanya like there's no tomorrow even if I know there is. Matagal na din nang huli ko syang mayakap... just because of a misunderstanding, nagbago ang lahat.
"Ssshh." Sinuklian nya ako ng isang mahigpit din na yakap at hinimas-himas ang likod ko para lang mapatahan ako. I can feel the warmth of his body... and I honestly feel safe.
Tumingala ako na di kumakalas sa pagyakap sa kanya. I can see concern in his face. "Hmm?"
"I'm sorry." Nasambit ko at umiyak uli. Sht, why do I have to be so emotional? Pinahid ko ang mga luha ko but then again, patuloy pa din sa paglalabas ng luha 'tong mga mata ko. Tss. "I'm sorry for being so stupid. I'm sorry for causing you so much pain. I'm sorry for being such a headache to you." Kumapit ako sa mga braso nya. Sobrang nanginginig na kasi ako dahil sa pag-iyak. "Diba sabi mo noon, you have my heart and I have yours? Please don't ask me to return your heart back... cause I can't. Ako pa naman mahal mo dba? And you have no other reason to ask it from me, right? Xavier ko, gagawin ko lahat just have me back... will you?"
I don't fcking care about pride anymore. Ako ang may kasalanan e, alangan namang sya ang mag-sorry. And I need him more than that stupid pride of mine.
Halo-halong emosyon ang naramdaman ko sa mga segundong di sya nagsalita. Para akong mamamatay sa sobrang kaba sa possibility na di na nya ako tanggapin uli.
"In one condition."
"What condition?" Anything... just anything.
"Makipagtanan ka sakin."
Namilog ang mga mata ko with what he just said. At napalunok talaga ako ng laway. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Is he really serious? Tanan?
"Just kidding." Bawi nya kaagad bago pa ako makapag-react. He gave me a peck on the lips. "Having you here is more than enough. Akala ko di mo na ako maaalala ulit."
Maalala uli? Tama. Hindi nya pa pala alam na wala talaga akong amnesia... that it was just fake.
Sasabihin ko o hindi? Ang kinatatakot ko lang e baka layuan nya ako sa pagsisinungaling ko. Kaso pag di ko sinabi sa kanya... parang niloko ko na naman sya for the second time.
He flashed a smile ang was about to kiss me again nang ilapat ko ang daliri ko sa mga labi nya. I have to tell him the truth. "I'm sorry for lying. Hindi ako kailanman nagka-amnesia. Hindi kita nakalimutan, I just pretended that I did." Nawala ang ngiti sa labi nya na inasahan ko ng mangyayari. "Sorry for deceiving you." Ulit ko.
Yumuko ako at handang tanggapin ang lahat ng sasabihin nya. Wag lang ang magkalimutan na kami. That's the last thing I can do in this world.
Tinitigan nya ako ng mataimtim. Inaanalisa pa nya ata ang mga nangyari sa amin matapos noong aksidente ko. "Reason?" Naging mas maawtoridad ang boses nya just like when he teaches.
![](https://img.wattpad.com/cover/842209-288-k57742.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm courting my geek Professor [PUBLISHED BY VIVA PSICOM]
RomanceAVAILABLE IN BOOKSTORES NATIONWIDE. Grab a copy and enjoy!