“Siguro busy sya para sa 1st monthsary nyo Ate sa May 5.”
“How I wish.” Yan lang ang tanging nasagot ko kay Xyla at hinaplos ang noo ko na magkaka-wrinkles na yata sa sobrang inis.
Sana nga talaga. But knowing Xavier, malabo. He’s not the kind of guy who prepares romantic dinner four days before the said occasion. I even doubt that he’d prepare one for our special day.
As far as I remember, wala kaming naging date na sya mismo ang nag-aya sa akin o kaya preparing something so cheesy to celebrate Valentines, Christmas, or the likes. Most of the time pa nga, he declines my offer of dates… which honestly hurts me. Pero iniintindi ko kasi alam kong hindi sya ‘yong tipong PDA type of boyfriend. Kung magiging sweet man sya, minsan lang at ‘yong kami lang dalawa.
“Ate, don’t be sad. Malakas ang vibes ko na it’s because of something important kaya sya busy these past few days.” Sabi nya habang nagbubuhos ng mantika sa kawali.
“It should be Xyla. Dahil pag nalaman kong may IBA sya, hindi ako magdadalawang isip IBA-libag sya dyan sa kanto.” Madiin kong sabi sabay ng madiin kong paghiwa sa mga karot.
Narinig ko naman ang malakas na pagtawa nya at saka sya tumabi sakin. “Ate relax! Kuya can’t do that to you. Aside sa mahal ka nya, I bet he’s afraid of what you can do to him.”
Nagpakaabala nalang kami sa loob ng kusina. Xyla is actually here in the house to teach me some basics of cooking. Alam naman ng lahat how I was raised like a princess by my parents kaya kahit saing ng kanin, di ko magawa.
That’s why I’m having my tutorials right now. Nasa high school palang si Xyla pero mas maalam pa sya sakin. Nahihiya nga ako noong una na magpaturo, pero at least future sister-in-law ko naman ang magtuturo kaya okay lang. Hahaha!
Sa kalagitnaan nang paghihiwa ko, napatingin ako sa kalendaryo at napasimangot. May 1. Ibig sabihin Labor Day. Walang klase. I was even excited just to have time with him today but he’s busy somewhere. Hay.
“Wala ba talaga syang nasabi sayo na kahit ano, Xyla?” Hindi na ako magtataka kung mainis sya sakin kasi kanina pa ako tanong ng tanong kung saan napadpad ang Kuya nya. But no one can blame me. For the past days, hindi na kami nagkikita dahil sa lagi syang may lakad. And I miss him.
“Teka, meron pala Ate.” Awtomatikong nilingon ko sya, excited to hear what they have talked about. “Actually, he asked me something… weird.” Sabi nya na tila may inaalala.
Just hearing the word itself, mas lalo akong nacurious sa pag-uusap nila ni Xako. “Bakit weird?”
“Kasi Ate, ang tanong nya sakin ay kung pano maging ikaw.”
“Ha?!” Nabulalas ko at napatigil sa ginagawa ko. Paano maging ako? Ang weird nga ng tanong nya. “And what did you answer?”
BINABASA MO ANG
I'm courting my geek Professor [PUBLISHED BY VIVA PSICOM]
Roman d'amourAVAILABLE IN BOOKSTORES NATIONWIDE. Grab a copy and enjoy!