[6:11 AM]
MEI's POV
"Handa na lahat ng kailangan mo dyan." Sabi sa akin ni Kuya habang chine-check ko ang laman ng bag para sa field trip namin ngayong araw na to. Yah, may field trip kami for our biology class. Pero hindi lang kami, kundi ang lahat ng first years na may biology.
"Buti nilagyan mo ng makakain." Kakauwi lang ni Kuya kaninang madaling araw kaya sya na pinahanda ko sa mga dadalhin ko. Dapat kasi si Mom yun kaso wala nga sya simula pa nung gabi.
"Kuya!!!" sigaw ko sabay taas ng nakita ko sa kinailaliman ng bag. "Explain why do I have to bring this."
Nilapag nya ang isang baso ng kape at kinuha mula sa kamay ko yun-- isang bote ng alak. Ano ba tingin nya isang sa field trip?! "Sabi mo pagkatapos nyo, mag-papahinga kayo. De yan para makapag relax kayo." Binalik nya sa loob ng bag yun saka sinara na ito. "Kung ayaw mo inumin, de ibalik mo dito sa bahay nang mainom ko."
**
[6:24 AM]
Kalalabas ko lang ng bahay. Paalis na kasi ako papuntang school nang di ko maiwasang titigan ang kabilang bahay.
Kasama sya sa field trip ngayon, pero hindi ko alam kung tutuloy sya. Nagtext kasi kagabi si Kai na di daw bumababa lagnat nya. Gusto ko man syang puntahan at alagaan, hindi ko naman pwedeng gawin. Baka kasi may magawa akong hindi dapat gawin ng isang PINSAN.
"Malate ka pa! Alis na."
"Oo na."
=______= Si Kuya, panira lang ng moment. EMO mode pa nga ako eh, tss.
**
[4:30 PM]
Kanina pa 3 o'clock natapos ang tour naming sobrang... BORING~!!! Pero okay na din kung ikukumpara pag nag-lecture si Sir. At least kanina nasa laboratory kami... pwede kaming sumilip sa mga samples gamit ang mga microscope. Doon lang ako namangha, wapakels na nga ako sa mga lectures ng kung sino man yung kanina. Hahaha~!
And as of now, andito kami sa isang resort. Malapit lang to sa lab. After kasi ng field trip, bonding mode naman daw para sa students kahit saglit lang.
"Basang basa na kami teh... dali na kasi!!! KJ neto~!" pagmamaktol ni Ming Ming. Kanina pa ako pinipilit ng mga kaibigan na mag-swimming kaso ayoko nga.
Why? Hindi po ako marunong lumangoy. =_____=
"Kayo nalang sabi."
Sumimangot pa sya bago ako tuluyang iniwan ulit mag-isa at nag-enjoy sa paliligo. Nakakainggit man, kaso may magagawa pa ba ako? Pano kung malunod ako tas di nila ako mapansin?!
Ibinaling ko nalang sa ibang direksyon ang mga tingin ko and it was a wrong move. "Bwiset. Wala ba si Enzo dito?" Kainis! Bakit kasi di sumama yung kumag na yun sa field trip?! Wala tuloy akong kasama dito. Wala tuloy akong mapagbubuntunan ko ng inis pag nakikita ko sila.
BINABASA MO ANG
I'm courting my geek Professor [PUBLISHED BY VIVA PSICOM]
RomanceAVAILABLE IN BOOKSTORES NATIONWIDE. Grab a copy and enjoy!