Chapter XII (A.F.F.E.C.T.E.D.)

77.9K 1.2K 120
                                    

It's been a week after that BANAT NI XAVIER KO incident >.< Wala namang ibang kakaiba na nangyari. Everything is normal. Mismo nga si Sir, back to normal.

Siguro, may nakain lang syang kung ano that time :">

**

"Huuuuy! Ayaw mo talaga?" tanong ni Cyl sakin at nararamdaman ko pa nga ang pagsiko nya sakin. 

Umiling ako bilang sagot at humalumbaba sa desk ko.

"KJ neto!" nadinig kong sabi nya at umalis na sa tabi ko.

Magulong magulo ang klasrum namin ngayon kasi nagkalat lahat ng kaklase ko kung saan saAn. In short, wala sila sa mga upuan nila. May ibang nakaupo sa teacher's table. May iba naman, nakapabilog ang mga upuan dahil sa chika session nila. At ang iba naman... =_________= ay ewan! Basta. Magulo sila. Yun na yun.

"Uuuy Mei! Anong--"

Tumayo ako habang sukbit sukbit ang bag ko kaya di na nya nagawang tapusin ang sasabihin nya. Sakto ding pasok ni Ryza sa room at napatingin sya sakin. Nilapitan ko sya at gets nya naman agad yung gusto kong mangyari.

"Ok namang lumabas teh. Wala tayong klase. Ini-entertain kasi ni Sir ang bagong hired na teacher, na coincidentally, childhood friend nya." bulong nya sakin. 

"Babae?"

"Oo"

Babae? Bagong hired na teacher? Tas childhood friend? =_________=

"K" nasabi ko nalang. 

Nakita ko pang nagtaka ang mukha nya nang tignan nya ako. Napansin nya ata ang pagtaas ng kilay ko nang marinig na babae yung ini-entertain nya ngayon.

Oh well~ IDC. Wala ako sa mood ngayon.

Lumabas na ako ng classroom na obviously, hindi nagpapaalam sa kanila. Ewan ko ba, nabubuset ako sa araw na to! >:(

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Naalibadbaran ako sa mga mukha ng mga tao sa school. Naiinitan ako sa kabila ng may aircon sa classroom. At ang malala, nabubuset ako sa lahat ng nakikita ko. Gusto kong sunugin lahat ng nakikita ko ngayoooooon!!!!

=_________________________=

Ganito nalang palagi.

Pag meron ako.

"Makauwi na nga lang" naibulong ko sa sarili ko habang naglalakad pababa nang hagdan. Wala namang estudyante akong nakikita kasi may klase pa ngayon yung iba o kaya yung iba, tapos na. Last day na ngayon ng school para sa taong to eh. So bale, simula bukas... CHRISTMAS BREAK NA :)

I'm courting my geek Professor [PUBLISHED BY VIVA PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon