HPD 1

701K 6.5K 309
                                    

[1]

Sherlyn's POV


"Waaaa riyal! Taqui ya iyo na Manila!" (Waaaa totoo! Narito na ako sa Manila!) Bulong ko sa sarili ko pagkababa ko ng barko.

Ako si Sherlyn Arpiza. Lumaki ako sa Zamboanga. Graduate ng BS Secondary Education at kakapasa ko lang din last year sa board exam. In short, ganap na akong Math Teacher! Naaaaks.

Palakad-lakad lang ako nang biglang may humablot sa maliit na bag ko.

"Hoyyy! De mio se bag! Bag ko 'yan! Ladroooooooon!" (Hoy! Bag ko 'yan! Bag ko 'yan! Magnanakaaaaw!) Sinubukan kong habulin ang batang humablot ng bag ko.

"Saklolo! 'Yung bag ko!"



Paul's POV


"Hijo, kanina ka pa nakauwi?"

"Yes, manang. Pero babalik din ako ulit sa opisina. Mayroon na ho bang ipapalit kay Mang Kaloy?"

"Ah oo nga pala, nariyan na ang mga aplikante. Gusto mo bang interviewin na sila?"

I nod. "Papasukin niyo na lang po sila isa-isa riyan sa opisina ko."

"Sige. Igagawa na rin kita ng meryenda."

"Thank you, manang."



Sherlyn's POV

"Ang bag ko!" Naiiyak kong sabi habang nakaupo sa isang bench sa sidewalk.

Hindi ko nahabol ang bata. Wala man lang tumulong sa akin. Nakakaiyak. Siguro kakuntiyaba niya rin ang mga tao sa paligid kanina. Deadma lang kasi sila sa akin.

Ganito ba talaga sa Manila? Paano ako mabubuhay ngayon dito? Lahat ng pera ko nandoon, pati cellphone ko.

Buti na lang nasa maleta ko ang mga ID at important papers ko. At buti na lang may naisuksok akong 200 pesos sa bulsa ko. Kailangan ko makahanap ng matutuluyan. Lord, help me!

Tumayo ako at lumapit sa isang ale para magtanong.

"Ate, pwede pong magtanong?"

"Ano iyon, ineng?"

"Alam niyo po kung saan ang sakayan papunta sa lugar na 'to?" Pinakita ko ang isang address na nakasulat sa isang maliit na papel.

"Mayaman ka pala, ineng."

"Po? Ah hindi po. May hahanapin lang po ako riyan." Bongga! Ususera si ate.

"Ah mag-aapply ka ng trabaho? Mayayaman ang mga nakatira riyan."

Eh kung sagutin niyo na lang po ate ang tanong ko para tapos? Siyempre hindi ko sinabi iyon. Iligaw pa ako ni ate.

"Paano po ako makakapunta sa address na ito?"

Pakiusap ate, sagutin mo na nang diretso.

"Tawid ka lang diyan sa overpass na iyan. Sa kabila niyan, sa baba, may paradahan ng jeep. Sakay ka lang doon tapos sabihin mo ibaba ka lang sa entrance ng village na 'yan. Nadaraanan lang iyan ng mga jeep."

Haaaay sa wakas. Sumagot din si ate.

"Ganoon po ba. Salamat po. Adios!"

Pagkatapos ng halos 15 minuto...

Mahaba-haba na ang nalakad ko. Totoo pala sabi ng ale kanina. Mayayaman nga nakatira rito. Wala naman yatang bahay dito, puro ito mansyon at palasyo!

Ang hirap pa makapasok. Sinakyan ko lang tanong ni Manong Gwardiya eh.

"Miss, saan ang punta mo?"

"Kuya guard, baka po sa loob?"

"Sino pupuntahan mo? Isa ka ba sa nag-aapply ng trabaho kina Mr. Alcantara?"

"O-opo. Pwede na po pumasok? Baka mahuli na po ako."

"Sige. Patingin na lang ng ID, Miss."

Kinakabahan ako. Ewan ko. Bigla na naman akong dinadaga.

Handa na ba akong makita siya?



Handa na nga ba ako???

His Personal DriverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon