HPD 38

240K 3.5K 115
                                    

[ 38 ]


Sherlyn's POV


"Kausap ang Papa mo, Espren."

Napalunok ako.

Sabay naman kaming napatingin nang magbukas ang pinto. Patakbo kong pinuntahan ang dalawa sa mga importanteng tao sa buhay ko. Mahigpit kong niyakap sina Tito Andrew at Tita Vangie.

Pinili naming mag-usap nina Tita sa canteen ng ospital. Tahimik lang kaming apat na parang nagsusukatan pa kami sa kung ano nga ba ang una naming sasabihin.

"M-Masaya kami at nakilala mo na ang Papa mo."

Tipid na ngumiti lang ako kay Tita Vangie.

Maraming tanong din kasi ang pumapasok sa isip ko ngayon pero hindi ko alam paano sasabihin lahat. Nagulat ako nang maramdaman kong hinawakan ni Tito Andrew ang kamay ko.

"Alam namin Sherlyn, marami kang tanong diyan sa isip mo. Pero pipilitin naming sagutin lahat ng mga iyan."

Napailing lang ako.

"H-Hindi ko po alam, Tito. Sobra-sobra po akong nagpapasalamat sa lahat ng sacrifice niyo po sa akin ni Tita. Pagkatapos po ng nalaman ko kay Papa, wala po akong karapatan na magalit sa inyo."

"Patawarin mo kami, anak." Malungkot na sabi ni Tita Vangie.

"Hindi naman po ako galit, Tita. Pero gusto ko lang po malaman, bakit hindi niyo pa po sinabi sa akin noong sinabi kong alam ko ng buhay ang Papa ko na matalik niyo po pala siyang kaibigan?"

Huminga nang malalim si Tita at nagkatinginan pa muna sila ni Tito Andrew.

"Nangako kasi kami sa Mama mo, Sherlyn."

"P-Po?"

"Siguro alam na noon pa ni Sheila na may sakit siya at pinili niyang ilihim sa atin. Dahil habang busy ka noon para sa board exam mo, panay na ang bilin niya sa amin tungkol sa'yo. Isa na roon ay ang hiling niyang ipangako namin na kung malaman mong buhay pa ang Papa mo, hahayaan ka lang naming hanapin siya at wala kaming sasabihin na kahit ano."

"Noong una anak, hindi namin maintindihan ang gustong mangyari ni Sheila. Pero noong nawala siya saka namin naintindihan na kaya siguro ganoon ang gusto niya ay dahil kung mayroong isang tao na mas makakapagpaliwanag sa'yo ng mga nangyari, iyon ay si Anton lang." pagpapatuloy ni Tito Andrew.

HIndi ko na naman mapigilang mapaiyak.

"Para ka na rin naming anak, Sherlyn. Kagaya ng pagmamahal ng Mama mo sa'yo, ganoon ka na rin namin kamahal. Kaya hangga't maaari ay ayaw ka naming mapahamak uli. Pero mukhang tama ang iniisip ng Mama mo na kahit anong pilit naming ilayo at itago ka, tadhana mo na talagang malaman ang totoo at muling makita ang Papa mo."

Kaya pala noon pa, palaging ang pangaral sa akin ni Mama ay ang pagpapatawad dahil noon palang pala ay hinahanda na niya ako sa mga pwedeng mangyari gaya ng malaman ko ang totoo.

Noon pa alam ni Mama na mangyayari ito.

Niyakap naman ako nina Tita at Tito. Nakangiti akong tumingin kay Onel na seryosong nakikinig lang sa pag-uusap namin. Ipinakuwento nila sa akin ang mga pinagdaanan ko rito sa Manila pati na rin ang tungkol sa amin ni Paul.

Hindi makapaniwala sina Tito dahil wala raw silang kamalay-malay na ganoon na pala ang mga nangyayari sa akin dito. Kasalanan ko rin naman dahil palagi kong sinasabing ayos lang ang lagay ko sa tuwing tinatawagan ko sila.

His Personal DriverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon