[3]
Sherlyn's POV
"Kainis! Pasalamat siya ang ganda ng mga mata niya."
Oo na, para akong abnormal na nagsasalita mag-isa at parang batang nagtatadyak ng paa habang naglalakad. Kailangan ko ang trabahong iyon para may matutuluyan ako. Wala na rin akong pera. Naluluha na naman ako.
Ayaw ko maging palaboy. Sayang ang lalaking iyon, gwapo sana. Ay mali. Gwapong-gwapo pala, sungit naman!
Hindi ko na nga sinabing college graduate ako para hindi ako paghinalaan. Buti na lang din at medyo panglalaki ang suot ko.
Pero ganito na talaga ako manamit. Impluwensya ito ng best friend kong si Onel na kasabayan kong lumaki sa talyer. Kaya marami rin akong alam sa sasakyan. Mas una ko pa nga yatang natutunan mangalikot ng sasakyan kaysa sa isulat ang pangalan ko eh.
Marunong na akong magmaneho at may lisensya rin ako. Sayang talaga eh!
Heto, malapit na ako sa guard's house. Lalabas na talaga ako sa subdivision na ito, tapos hindi ko pa nakita ang hinahanap ko.
Lucky me!
"O Miss, hindi ka natanggap?" Grabe makabati itong si Manong Gwardiya.
"Hindi yata, kuya. Masyado raw akong maganda!" Tumawa lang din naman si Manong.
"Oh Shit!! Bakit ngayon pa!"
Napatingin ako sa lalaking nasiraan ng kotse.
"Kuya guard, paiwan lang saglit ng maleta ko. May titingnan lang ako saglit. Salamat!"
Agad kong nilapitan ang lalaking pilit kinakalikot kung ano ang sira sa sasakyan niya.
Paul's POV
Katatapos ko lang kausapin ang sumunod na aplikante sa babae kanina nang tumunog ang cellphone ko.
"Yes, hello... what?... right now?... okay, I'll be there."
Ibinaba ko na ang phone.
"Manang, pakisabi sa mga aplikante na bumalik na lang bukas. May emergency sa opisina. Kailangan ko bumalik ngayon na."
"Sige hijo, pero wala pa si Kaloy. Sigurado kang ikaw ang magmamaneho?"
"It's okay. Kailangan ho talaga ako ngayon sa office."
"Mag-iingat ka ha."
Shit. I really need to get a new driver as soon as possible. Bahala na. Ako na ang magmamaneho ngayon. Palabas na ako ng subdivision nang biglang huminto ang sasakyan.
What the fuck. Not now! Lumabas ako at agad hinanap ang sira. Badtrip naman. Bakit ngayon pa nagloko ito?
"Bwisit! Nagmamadali ako." Napabulaslas na lang ako.
"SirNget! Tulungan ko na po kayo."
Biglang may nagsalita sa likuran ko. Siya iyong babae kanina. And what? What did she say?
SirNget? Did I hear that right?
"It's okay. I can handle this."
"Haysus. Ako na po, SirNget! Sabi niyo nga ho nagmamadali kayo. Kaya ko po ayusin sira niyan kahit bigyan niyo po ako ng 5 minutes."
Sigurado ba siya? Ako nga hindi ko maayos. Oh well, wala naman siguro mawawala.
"Sige."
"Okay. Chillax ka lang diyan, SirNget!"
Napakunot-noo naman ako. Kanina pa siya riyan sa SirNget na 'yan.
Pinanood ko lang siya habang kinakalikot ang makina. Mukhang may alam nga siya at wala pang limang minuto, tumingin siya sa akin.
"Start niyo na po."
Pumasok ako agad sa loob at nag-start nga ang sasakyan.
Impressive.
Ngumiti siya sa akin at nagsaludo pa.
"Bye, SirNget!"
Paalis na sana siya nang magbusina ako. Huminto naman siya kaya bumaba ako sa kotse.
"May problema pa po ba?"
"Marunong ka bang mag-drive? May lisensya ka naman?"
"Opo." Sagot niya.
Iniabot ko sa kanya ang susi ng sasakyan.
"Kaso SirNget, first time ko lang po sa Manila. Hindi ko alam ang mga daan." At nag-peace sign pa nga.
Napailing lang ako. Parang bata.
"Ituturo ko na lang kung saan ang daan."
Mukhang may nahanap na akong kapalit.
BINABASA MO ANG
His Personal Driver
RomanceWARNING: Nakakakulo ng dugo. Not suitable for readers with high blood pressure. HAHAHAHA Enjoy reading! BurningRain's Originals.