[ 20 ]
Sherlyn's POV
Kanina ko pa siya tinitingnan. Kanina pa siya wala sa sarili niya.
Kawawa naman ito. Ang bata pa pero ang dami ng problemang hinaharap sa buhay. Kaya ang sungit eh!
Heavy traffic ngayon kaya parang pagong ang pag-usad ng mga sasakyan.
Hindi ko na siya masyadong tinatanong kasi kanina kinakausap ko siya, hindi naman connect ang mga sagot niya sa tanong ko. Halata talagang hindi namin kasama ngayon sa sasakyan ang isip niya.
Narinig ko siyang huminga nang malalim.
"Paul, ano'ng problema?"
"No... nothing. Just about the company."
"Okay. Pwede ko namang isipin na naniniwala ako diyan."
Bigla naman siyang napatingin sa akin. Tinuon ko pa rin ang tingin ko sa daan.
"W-What do you mean?"
"Ano talagang totoo? Dahil ba sa situation natin ni Nichole?"
"Sherlyn, akala ko ba napag-usapan na natin ito?"
"Oo naman." Ngumiti ako pero nasa daan pa rin ang tingin ko.
Hinawakan niya ang kanang kamay ko.
"Believe me. Gusto kong ayusin muna ang mga problema ko ng hindi ka nadadamay. Mahihintay mo naman ako, di ba?"
Tumango lang ako.
"Do you trust me?"
"Yeah." Namumuo na ang luha sa mga mata ko.
"Then, look at me."
Tumingin naman ako sa kanya. Nakita ko ang bahagyang pagkagulat niya.
"Yeah, I trust you." Sagot ko at hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha sa isang mata ko.
Hinila niya ako palapit sa kanya at niyakap. Saglit niya ring hinalikan ang buhok ko.
Nagpatuloy na ako sa pagmamaneho pero hawak-hawak niya pa rin ang kanang kamay ko.
Si Nichole pa rin ang girlfriend niya. So kami parang friends with benefits? Ay ewan ko ba. Kung kailan ako naging 20 plus, saka pa ako natutong mag M.U. Pang highschool lang iyan ehh.
Siguro nga ang tanga ko pagdating sa pagmamahal sa lalaki. Pasensya na huh. Wala kasi kaming "Love" subject noong college kaya hindi ko napag-aralan. Sa course ko, calculator na ang naging boyfriend ko sa loob ng apat na taon sa university. Napakadry ng lovelife ko noon.
Hayaan niyo kapag ako naging Presidente, i-pursue natin na magkaroon ng ganyang subject. Para wala ng maging tanga pagdating sa pag-ibig. Hayyyy.
"I think I need some rest..."
Napatingin naman ako sa katabi ko.
Luhhh. Nagsasalita mag-isa, joke lang."Ano'ng plano mo?" Tanong ko sa kanya.
"Gusto ko muna lumayo saglit sa hangin ng Manila."
Kunot-noo naman akong tumingin sa kanya. "Magbabakasyon ka?"
BINABASA MO ANG
His Personal Driver
RomanceWARNING: Nakakakulo ng dugo. Not suitable for readers with high blood pressure. HAHAHAHA Enjoy reading! BurningRain's Originals.