HPD 8

341K 4.5K 75
                                    

[ 8 ]

Paul's POV

I've just finished our board meeting and I'm now inside my office, sitting on my swivel chair. I'm thinking a lot of things for the company and for the business. Wala namang bago. I've been like this for years.

Since nawala sila... because of me.

I am Engr. Paul Gabriel Alcantara. People know me as the youngest CEO of R&K Corporation and major stockholder of AirSIA Airlines and other second-leading companies.

But who really knows what I want to be for Pete's sake!

I graduated as magna cum laude in BS Civil Engineering in University of the Philippines-Diliman because that was my dream as far as I remember. I am supposed to be one of those who construct and build roads, bridges, and other things like what I am dreaming to become when I was a kid. But now, here I am... in the world of business.

I'm in the midst of my thoughts nang may sumagi sa isip ko. I took the telephone and called my assistant.

"Jane, see me here in my office now."

After a minute, I heard a knock on the door.

"Come in."

"Good morning, Mr. Alcantara. Is there anything you need, sir?"

"I need a new phone. I don't mind what model basta I need that today. Oh, just get latest one."

"Noted. Do you need anything else, sir?"

"None. Just that phone. You can leave now. Thank you."





Sherlyn's POV

5pm ang sinabi ni sir kanina para sunduin ko siya pero alas kwatro pa lang narito na ako sa parking area. Mahirap na maipit sa traffic at ma-late. Ganitong scary sa kasungitan ang amo ko.

Nasa loob lang ako ng kotse at nagsasoundtrip. Kitang-kita ko naman dito ang labasan ng opisina ni Sir Paul kaya makikita ko lang siya kung palabas na siya.

Pasado alas singko nang makita ko siyang palabas na. Agad kong pinaandar ang sasakyan at hininto sa harap niya. Hindi na niya ako pinababa para pagbuksan siya. Mabilis na siyang nakapasok at umupo sa backseat.

"Saan po ang punta natin ngayon, sir?"

"House."

Pagod siguro ito dahil sa trabaho sa opisina.

"Okay, sir."

Nginitian ko na lang siya through mirror. Tahimik lang siya habang nasa biyahe. Medyo mabigat din ang traffic ngayong oras. Sinilip ko siya sa salamin ng sasakyan. Nakatulog na pala.

Kusa na rin siyang nagising nang papasok na kami sa subdivision. Pagkapark ko ng sasakyan sa bahay, agad akong bumaba para pagbuksan ng pinto si sir. Papasok na siya sa pinto nang humarap siya uli sa akin. Nakatayo pa rin kasi ako sa likod niya.

"Take this."

Sabay abot sa akin ng isang paper bag. Sinilip ko kung ano ang laman nito. Isang latest model ng Samsung Galaxy!

"Ano po ito, sir?"

"Can't state the obvious?"

Sira ang moment. Ang sungit na naman.

"I mean, para saan po?"

"So that I can contact you whenever I need the car?"

Napatango na lang ako.

"Thank you po talaga, sir."

"And also, para ma-contact mo na rin ang pamilya mo. Hindi ba sila nag-aalala sa'yo?"

Halaaaa oo nga. Hindi ko pa natatawagan sina tita at ang espren ko. Tumalikod na siya at naglakad na ulit. Nakasunod lang ako sa likod niya.

Teka nga...

Hindi ko maintindihan, pero  pakiramdam ko talaga ang init ng mukha ko.

Concerned ba si Sir Paul sa akin??

Napangiti na lang ako ng hindi ko namamalayan.

Sinalubong naman kami ni Manang Pilar pagdating namin sa loob ng bahay.

"Kumain na ba kayo?"

"Hindi pa po, manang." Sagot naman ni Sir Paul sa kanya.

"Tamang-tama pala at nakahanda na ako para sa hapunan mo."

"Salamat, manang."

"Siyanga pala, hijo. Tumawag kanina rito si Nichole."

Wow. Tunog mamahalin ang name. Biglang nagseryoso ang mukha ni sir. Saglit pa siyang napatingin sa akin. Bakit kaya?

"Bakit daw po?" Tanong ni Sir Paul.

"Nangangamusta lang daw. Pero mukhang gusto ka niya yatang makausap, hijo."

"Sige po. Tatawagan ko na lang siya mamaya."

Bakit biglang iba si Sir Paul?

Sino ba iyong si Ma'am Nichole???

His Personal DriverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon