HPD 21

401K 4.5K 267
                                    

[ 21 ]

Sherlyn' POV

"Ayy Tita, Tito. Siya po si Paul Gabriel Alcantara. Siya po ang boss ko sa Manila." Masayang pagpapakilala ko kay Paul kina Tita.

Nakipagkamay naman si Paul sa kanila.

"Good afternoon, Ma'am, Sir. Nice to meet you. Tawagin niyo na lang ho akong Paul." Masyado namang pormal itong lalaking 'to.

"Ako naman pala si Evangeline, pero tawagin mo na lang din akong Tita Vangie. Iyon din naman ang tawag sa akin ni Sherlyn at ito naman si Andrew, asawa ko. At 'yang binatang iyan naman si Onel, nag-iisang anak namin." Sabay turo kay Espren.

Wow. Straight Tagalog iyon ah! Pinabibilib ako ni Tita. Tiningnan ko si Paul na tumatango-tango lang din at nakangiti.

"Nagta-Tagalog din ho kayo?" Tanong ni Paul kina Tita.

Gusto kong matawa sa tanong niya kaso baka magalit kaya pinigilan ko na lang. Ngumiti naman si Tito Andrew.

"Oo, hijo. Hayaan mo, dadalangan muna namin ang pag-uusap sa Chavacano para maintindihan mo kami at hindi ka mailang. Ituring mong bahay mo na rin dito sa Zamboanga ang bahay namin huh." Masayang wika ni Tito.

"Ay mira tu Pa, bien grande ya gayot le ahora." (Ay tingnan mo Pa, sobrang laki na niya talaga ngayon.) Narinig naming sabi ni Tita Vangie kay Tito Andrew. Ang tinutukoy niya ay si Paul.

Huh? Gulat na nagkatinginan naman kaming dalawa ni Onel. Habang si Paul ay tumingin naman sa akin na parang tinatanong kung ano ang sinasabi sa kanya.

"Tita, conose ya tu con ele antes pa?" (Tita, kilala niyo na po siya noon pa?) Tanong ko kay Tita. Nagulat naman siya sa tanong ko habang si Tito naman ay tahimik lang.

"Ahh. Pirmi lang iyo ta mira con ele na newspaper y magazine antes. Sikat se ele. El last time ya mira yo con ele na magazine, sulterito pa man le." (Ah. Palagi ko siyang nakikita sa newspaper at magazine dati. Sikat iyan siya. Huling beses ko siyang nakita sa magazine, binatilyo pa lang siya.)

"Ahh..." Sabay naman kaming napatango ni Onel.

Habang si Paul kunot-noo lang na nakatingin sa amin. Oo nga pala hindi niya kami naiintindihan. Kawawa naman. Haha.

Ngumiti lang ako sa kanya.

"Sabi ni Tita, palagi ka raw niya nakikita sa dyaryo at magazine. Sikat ka raw kasi."

Napatango na lang din si Paul.

"Oh sya, pumasok na nga muna tayo sa loob at doon na natin ituloy ang pagkukwentuhan. May hinanda rin kaming kaunting pagsasalu-saluhan natin."

His Personal DriverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon