HPD 39.1

248K 3.4K 95
                                    

[ 39 ] Part 1


Sherlyn's POV


"Sigurado ka bang komportable ka na diyan?"

Nakangiting tumango lang siya sa akin.

Nakiusap kasi si Paul na puntahan namin si Nichole sa kwarto niya. Nailipat na rin kasi si Nichole sa isang private room ng ospital pero wala pa rin siyang malay.

"Sige. Halika na." Sinimulan ko na itulak ang wheelchair na inuupan ni Paul. 

Nakarating na kami kung nasaan ang kwarto ni Nichole. Wala pa rin siyang malay. Nasa kwarto rin ni Nics ngayon sina Papa, Manang Pilar, Tito Andrew, Tita Vangie at Onel.

Ngumiti sila ng makita nila kaming pumasok. Inilapit ko si Paul sa higaan ni Nichole at hinawakan niya ang kamay nito.

"Kamusta ka na, Paul?" tanong ni Tita Vangie.

Ngumiti sa kanya si Paul.

"Almost fine. Bumibilis ang recovery. Magaling kasi itong nurse ko eh." Nakangiting kinuha niya ang kanang kamay ko sabay hinalikan.

"Mabuti naman kung gano'n."

"Ninong, kamusta naman daw po si Nics?" Tanong ni Paul kay Papa.

Napahinga lang nang malalim si Papa.

"We're just waiting for her to wake up."

Hinawakan ko sa balikat si Papa.

"Don't worry, Pa. Nichole is a very strong person. I know she'll be fine at hindi niya po tayo bibiguin."





"Sherlyn, nakausap mo na ba siya?"

Kunot-noo naman akong napatingin sa kanya.

Nakabalik na kami ulit sa kwarto niya. Kailangan na daw niya kasi magpahinga sabi ng doctor.

"Huh? Sinong siya?"

Saglit siyang natigilan.

Halatang nagdadalawang-isip pa siya kung sasagutin niya ang tanong ko.

"Paul?"

He took a deep breath.

"S-Si Tita Sylvia?"

Ako naman ang saglit na natigilan.

Umupo ako sa tabi niya saka napailing.

"Dapat pa ba?"

"I-I don't know..." Nagdadalawang-isip ding sagot niya.

"Ikaw? Hindi ka ba galit sa kanya?" tanong ko sa kanya.

Nagkibit - balikat lang siya.

"Sige na. Magpahinga ka na. Bawal ka pang magpagod kahit kaunti lang."

Nakangiting tumango siya.

Hinalikan ko muna siya sa noo bago niya ipinikit ang mga mata niya.






His Personal DriverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon