Epilogue

369K 4.8K 496
                                    

[ Epilogue ]


Sherlyn's POV


Naalimpungatan ako nang maramdaman kong wala si Paul sa tabi ko. Mabigat pa ang mata ko dahil ilang gabi na rin akong walang tulog. Palagi kasing gising si Baby Zeke pag gabi at iyak nang iyak.

Kinapa-kapa ko ang alarm clock na nakapatong sa side table. Alas tres na ng madaling araw. Nasaan naman kaya ang asawa ko?

Dahan-dahan akong tumayo at pinuntahan ang crib ni baby para tingnan. Himala kasi hindi ko siya narinig umiyak ngayon. Nagulat ako nang makita kong wala siya sa crib niya.

Hinanap ko sila sa buong bahay hanggang makita ko si Paul na nakaupo sa sofa sa sala. Natutulog habang yakap-yakap si baby Zeke na mahimbing ring natutulog sa dibdib ng daddy niya.

Siguro umiyak kanina si baby kaya kinuha at dinala dito ni Paul. Ganito rin kasi ang ginagawa ko noong mga nakaraang araw para hindi maistorbo ang tulog niya. Mahirap na mapuyat din ang mahal ko, maaga pa pumupunta sa opisina iyan eh.

With all the hardships we've been through, sa huli kami pa rin talaga.

Alam kong hindi natatapos ang problema. Bahagi na ng buhay nating mga tao iyan eh.

At ngayong meron na kaming Ezekiel na pumapagitna sa buhay namin ni Paul, alam kong kahit ano pang pagsubok ang dumating sa amin bilang isa ng pamilya ay kakayanin namin.

There is nothing that starts easy.

Everything starts at some level of difficulty na kahit ang paggising natin tuwing umaga still requires certain efforts. But one wonderful thing about life is the fact that what is the hardest is also the most rewarding and most satisfying.

Umupo ako sa tabi nila at tahimik na pinagmamasdan ang mag-ama ko. Ang sarap nila tingnan. I have a lovable and angelic baby. I also have a gorgeous and naughty husband.

Why naughty husband? Eh pasaway naman talaga iyan.

Lately kasi sa dami ng kailangan kong gawin as a hands-on mother and wife, palagi akong may isang bagay na nakakaligtaan. And to keep my forgetfulness, I started making daily reminder notes and scratching off the items as I completed them.

Then, one time during our dinner...

"Alam mo honey, super helpful talaga sa akin ang daily planner ko kasi I have never once overlooked a single important thing to do." I happily bragged at him.

"Hmm really? That's good." Then he smiled at me.

And the next day as I looked on my daily planner to check my what-to-do list...

There in my own husband's handwriting, wedged between "meeting with Dr. Sanchez" and "prepare dinner at 7pm" was the notation: "Seduce Paul"

Napapailing na lang ako sa tuwing maaalala ko iyon.

"And what's my wife thinking?"

Nagulat ako ng bigla siyang magsalita.

"Nothing. Natutuwa lang akong pagmasdan kayong dalawa."

"Tsk. Hindi mo pa rin maresist ang charm namin ni baby Zeke?"

Natawa na lang ako sa sinabi niya.

Hindi lang naughty... mahangin rin. Tssss.

"Akin na nga iyang si baby. Bumalik ka na ulit sa kwarto para makatulog ka na nang maayos. Maaga ka pa sa opisina bukas."

His Personal DriverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon