[ 19 ]
Paul's POV
Pabalik-balik sa isip ko ang nangyari sa amin ni Sherlyn. I don't mind if you call me such a maniac but I just can't help it.
She never failed to surprise me. I mean I never expect na gagawin niya iyon. But then, she satisfied me.
Hindi ko na napigilang sabihin sa kanya na mahal ko siya. It's not because of sex kaya mahal ko siya. Sherlyn is something. She's different. There are things that for the first time in my life ko lang naramdaman and all because of her.
Mahal ko talaga siya.
I need to settle things first. I need to fix my problems and my life bago ko tuluyang ipasok sa buhay ko si Sherlyn. Ayaw kong madamay siya sa problema.
I smiled with the thought.
"Isang ngiti pa, Pre. Mukha ka na talagang tanga diyan."
Napatingin ako sa nagsalita. Si Kael na patagilid na nakasandal sa pinto ng opisina at nakapamulsa pa. Kanina pa ba 'to nandiyan?
"Kanina ka pa ba nandiyan? Hindi ka na marunong kumatok?"
Umalis na ito sa pagkakatayo at umupo sa harapan ko.
"Sa sobrang saya mo hindi mo na nga ako napansin. Ano 'yan? Daydreaming, Pre?"
"Gago. Bakit ka na naman ba nandito?"
"Porke ba pinagseselosan mo ako, hindi na ako pwede rito?"
Umiba naman ang templa ng mukha ko na ikinatawa naman niya nang malakas. Sabay shinake hands pa ako.
"Congrats, Paul! Binata ka na. Marunong ka na magselos!" Natatawa niyang sabi habang shineshake hands ako. Inagaw ko naman agad ang kamay ko.
Alam naman pala niyang pinagseselosan ko siya. Mabuting kaibigan talaga ito. Tiningnan ko naman siya nang masama. Bigla naman siyang sumeryoso.
"Pero seryoso, Pare. Tiwala naman na akong mahal mo rin si Sherlyn. Wala na akong palag doon. Love story niyong dalawa 'to ehh." Sabay tumawa uli.
Tiningnan ko lang siya.
"Ang akin lang, Pare, ayusin mo muna lahat. Kahit mahal ko siya, kung ikaw ang mahal niya ... ehh wala na akong magagawa. Pero gaya ng sinabi ko, kaibigan ko na rin si Sherlyn at hindi ko hahayaang madamay siya."
Kunot-noo lang ako. Ano bang pinagsasabi nito? Mahal ako ni Sherlyn? Parang may biglang tuwa akong naramdaman.
"Aayusin ko ito, Pare. Humahanap lang ako ng pagkakataon."
"Hindi naman si Nichole ang problema mo rito. Alam mo naman na kung ano ang tinutukoy ko. Basta, Pre... sabay tapik sa balikat ko ... bilib ako sa talino mo kaya tiwala akong alam mo kung ano ang tama at dapat gawin."
Tumango lang ako sa kanya. Pareho kaming napalingon nang may biglang kumatok. Si Sherlyn. Sabay pa kaming ngumiti sa kanya ni Kael na ikinunot-noo niya.
"Ahmp Sir, may naghahanap po sa inyo. Mr. Dela Cruz daw po."
Napataas ang kilay ko pagkarinig sa pangalan na binanggit niya.
"Sige papasukin mo."
Tumango naman si Sherlyn at agad lumabas. Nagtatanong na tingin ang binigay sa akin ni Kael. Kilala niya rin kasi si Dela Cruz. Nagkibit-balikat lang ako. Mayamaya pa ay kumatok na rin sa pinto si Dela Cruz.
"Good afternoon, Bossing. Sir Michael, nandito rin ho pala kayo..."
Tumingin ako kay Kael. Mukhang nagkaintindihan naman kami kaya tumayo na siya.
"Oh sya. Mauna na muna ako."
Bago pa siya lumabas, humarap siya ulit sa akin.
"Oo nga pala Pre, hiramin ko muna sexytary mo huh." Ngumiti pa nang nakakaloko.
Tiningnan ko siya lalo nang masama.
"Haha. Huwag ka na magselos. Dating gawi lang. Magkakape lang kami sa baba." Natatawa niyang sabi saka tuluyang lumabas.
Nakita kong pinuntahan nga niya ito. Tumingin pa muna sa akin si Sherlyn kaya tumango ako at bumaba na silang dalawa.
Napailing na lang ako. Tiningnan ko naman si Dela Cruz.
"Maupo ka."
Umupo naman ito agad.
"Ano ibabalita mo?"
"Bossing, hindi naman mahirap pinagagawa mo. Nandito na lahat ng gusto niyong malaman."
Sabay abot sa akin ng isang brown envelope. Binuksan ko iyon. May lamang ilang mga kopya ng papeles at ilang larawan.
"Sigurado ka naman sa mga ito?"
"Siyempre, Bossing. Bumiyahe pa ako para diyan. Kakabalik ko nga lang kanina pero dito na ako dumiretso."
Tumango ako.
"Sige, salamat. Ipatatawag na lang kita kapag kailangan ko trabaho mo. Wala naman tayong problema sa bayad. Sige, makakaalis ka na."
"Yun. Sige bossing, mauna na ako."
Tuluyan na siyang umalis. Private investigator ko si Dela Cruz. Si Kael lang ang nakakaalam tungkol sa kanya. Gusto kong malaman ang ilang background ni Sherlyn. Hindi sa dahil wala akong tiwala, pero ganito na talaga ang nakasanayan kong gawin sa mga bagong tao kong nakilala.
Isa sa mga kasanayang natutunan ko sa mundo ng business. Gusto ko rin siyang tulungan sa paghahanap doon sa tatay niya.
Sinilip ko uli ang mga nasa loob ng envelope. Binasa ko ang ilang kopya ng documents na nakuha ni Dela Cruz. Mathematics Teacher pala siya at graduate rin bilang magna cum laude.
Napangiti ako.
Tiningnan ko rin ang ilang pictures. Napansin ko ang isang picture ng mag-asawa at isang lalaki na parang nasa edad lang din namin ni Sherlyn. Sila na siguro ang sinasabi niyang kasama niyang lumaki at itong lalaking ito ang best friend niya. Mas gwapo pa rin naman pala ako dito.
Napatingin ako uli sa picture ng mag-asawa. Bakit parang familiar sila? Parang nakita ko na sila noon. Mayroon din tungkol sa pagkamatay ng mama niya.
Nakuha ang atensyon ko ng kopya ng birth certificate niya sa hindi ko malamang dahilan. Tiningnan ko ito at binasa. Dito rin pala siya ipinanganak sa Manila.
Anak siya ni Sheila Arpiza at ...
Anthony Valencia?
Natigilan ako. Tinitigan ko pang mabuti baka mali lang ako pero Anthony Valencia talaga. Anak siya ni Ninong? Pero bakit nakalagay dito na patay na siya?
Kailan pa namatay si Ninong Anton?
Ibig sabihin... ang hinahanap ni Sherlyn na tatay niyang buong akala niyang patay na ay si Ninong Anton?
Ibig sabihin magkapatid sila ni Nichole? Halos hindi ako makakilos sa kinauupuan ko sa sobrang pagkagulat. Ang daming tanong na pumapasok sa isip ko.
Tama si Sherlyn.
Si Ninong nga lang ang makakasagot sa lahat ng tanong namin ngayon.
--------------
A/N:
Hello, silent readerssss!!! :) Say Hi!!!
BINABASA MO ANG
His Personal Driver
RomanceWARNING: Nakakakulo ng dugo. Not suitable for readers with high blood pressure. HAHAHAHA Enjoy reading! BurningRain's Originals.