HPD 16

341K 4.4K 198
                                    

Papa Kael in the picture ;']]]]     

Grabeeee. Ang gwapo lang di ba mga bes?

[ 16 ]


Kael's POV


Ang tagal kong hindi nakabisita sa kompanya ni Paul. 

May biglang problema kasing dumating sa company namin at gusto ni Dad na tutukan ko talaga ang paggawa ng solusyon para roon. Iyan tuloy ang tagal ko na ring hindi nakikita si Sherlyn.

Pero ngayon, siguradong makikita ko na siya. Pasakay na ako sa elevator.

"Good afternoon, Mr. Alvarez!" Bati ng dalawang babaeng empleyado sa akin.

Nginitian ko lang sila at kinilig naman! Iba na talaga kapag gwapo ka talaga.

"Ang ganda talaga ng secretary ni Sir Paul noh?" Sabi ng isang babae sa kasama niya.

Si Miss Jane ba pinag-uusapan nila? Aba. Nagdadalaga ulit si Miss Jane? Hahaha.

"Oo nga. Simple lang siya at saka friendly. Dapat nga maiinis ako sa kanya kasi akala ko malandi pero sabi ni Miss Jane mas mabait pa nga raw sa kanya iyon."

"Talaga? Akala ko nga rin piniflirt niya lang si Sir. Pero kung si Miss Jane na mismo ang nagsabi niyan, mali nga lang tayo ng hinala."

Hindi si Miss Jane? Kailan pa siya pinalitan ni Paul?

Parang wala lang ako sa tabi nila kung pag-usapan ang kaibigan ko. Sumbong ko kaya 'to sila? Hahaha. Nakinig lang din naman ako sa pinag-uusapan nila.

"Pero aminin mo, bagay na bagay silang dalawa nuh?"

"Oo! Iyan nga usapan namin sa department namin. Balak pa nga nina bakla magtayo ng fans club. Hahaha. Mga loka-loka talaga!"

Tatanungin ko pa sana ang dalawang babae kaso biglang bumukas ang pinto ng elevator at lumabas na sila. Last floor pa opisina ni Paul. Baka roon ko na makita ang bagong secretary niya.

Nakarating na ako sa harap ng opisina ni Paul. At pagbukas ko ng pinto, hindi ko alam kung bakit o dapat ba.


Pero nasaktan ako.




Sherlyn's POV


Ilang linggo na akong nagtratrabaho sa kompanya. Hindi naman mahirap aralin ang pagiging secretary ni Paul. Hindi ko alam kung dapat ko ba ikatuwa pero dahil sa bago kong trabaho, mas naging malapit kaming dalawa sa isa't isa.

Kasama niya ako kung saan man siya mapadpad, pero ako pa rin ang nagdradrive para sa kanya.

Sabay din kami halos palagi kung maglunch sa coffee shop. Kaya hindi naman lingid sa akin na napag-uusapan na kami rito sa kompanya. Ano naman ang magagawa ko? CEO ang nag-uutos sa akin. Kapag sinusubukan ko namang tumanggi, nagbabago ang mood. Nakakatakot ang pagiging masungit.

Pero ngayon, dito na lang kami sa opisina nag-tanghalian. Inutusan niya ako kanina magpadeliver.

"Ahmp Sir Paul..."

"Paul..."

"Ay oo nga pala."

At ngumiti lang siya. My gosh! Ang gwapo lang.

His Personal DriverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon