[ 11 ]
Sherlyn's POV
Kaibigan pala ni Sir Masungit iyong gwapong palangiti. Best friends pa nga sila. Total opposite nga silang dalawa eh. Akalain niyong nagclick sila?
Few weeks had passed since nung gabing pinakilala sa akin ni Sir Paul si Sir Kael.
"Sherlyn!" Nagulat ako nang marinig ko ang tawag ng amo kong masungit.
"Sir? Bakit po?" Natatarantang tanong ko sa kanya at pati si Manang Pilar ay halatang nagulat din.
"Pack some of your things."
Huh? Nagulat naman kami lalo ni Manang Pilar at nagkatinginan. Pinapalayas na ba niya ako?
"Bakit po, Sir?"
"We have to go to Tagaytay today. Magkakaroon kami ng International Conference roon. And it is for 1 week kaya pack your things."
Nakahinga naman kami ni Manang nang maluwag. Akala ko kung ano na.
"Okay, Sir."
Wala pang dalawa o tatlong oras nang makarating kami sa Tagaytay.
"Miss, we need two rooms. Separate."
Hala ka! Monster mode siya ngayon. Wala na raw kasing available rooms. Fully booked na. Pang-ilang hotel na namin ito kaso puro full na kaya heto, monster mode.
"We're really sorry, Sir. Peak season po kasi ngayon kaya marami na pong nakapagpareserve."
"Can't you just check if there's any available room here. I don't care if it's presidential suite or whatever. Just give us two rooms!"
"Presidential Suites are also already not available, Sir. I'm so sorry, Mr. Alcantara. But we only have one more available 'room for two'." Huminga siya nang malalim. Naku po.
Bago pa siya sumabog, sumingit na ako.
"Okay na po, Miss. Kukunin na lang po namin."
Tumingin naman siya sa akin.
Lumapit ako sa kanya sabay bumulong.
"Okay lang po, Sir. Kaysa po matulog tayo sa loob ng sasakyan or worst ay sa kalsada pa."
Sabay ngumiti na lang ako sa kanya. Binigay na sa amin ng front desk employee ang susi at agad naman naming pinuntahan ang kwarto.
Malaki naman ang binigay sa amin na kwarto at may dalawang higaan. May small kitchen din sa loob at mini sala. Iyon naman pala ehh. Awkward lang dahil babae't lalaki kami.
"Sigurado kang okay lang sa'yo?"
Tumango lang ako at pumasok na para ayusin ang mga gamit namin.
4 days na kaming nandito.
20 minutes lang ang layo ng venue ng conference nila mula sa hotel na tinutuluyan namin.
Pagkahatid ko sa kanya roon, pinapayagan na niya akong maglibut-libot sa buong Tagaytay. Maganda rin talaga ang lugar at relaxing.
Kung minsan nakakailang. Hindi pala minsan. Palagi.
Kayo kaya makasama niya sa iisang kwarto. Kung hindi kayo makapag-isip maging rapist minsan.
Hindi na kami umoorder ng pagkain dahil may small kitchen naman sa loob ng room at dahil magaling naman din akong magluto, ako na ang nagluluto ng pagkain naming dalawa.
BINABASA MO ANG
His Personal Driver
RomanceWARNING: Nakakakulo ng dugo. Not suitable for readers with high blood pressure. HAHAHAHA Enjoy reading! BurningRain's Originals.