[ 15 ]
Sherlyn's POV
Nasa sasakyan na kami and as usual ako ang nagmamaneho.
Matakot ako kung iba na ang nagmamaneho para kay Paul dahil ibig sabihin ay wala na akong trabaho.
Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit ganito ang suot ko? Hindi talaga ako komportable sa corporate attire na suot ko ngayon. Panay ang hila ng isang kamay ko sa fitted skirt na gamit ko habang ang isang kong kamay ay nasa manibela.
Hindi naman kasi ako nagsusuot ng skirt. Kahit noong nagprapracticum ako bilang student teacher, hindi naman skirt ang uniform namin. Slacks ang gamit naming pambaba.
Lumingon ako sa kanya and I saw him wearing his secret smile again while looking outside the window. Pinagtatawanan niya ba ako? Minsan talaga hindi ko na maintindihan itong lalaking 'to. Pinagtritripan ba ako nito?
Pero in one side of my heart, may tuwa rin akong naramdaman. Simula kasi nang bumalik kami galing Tagaytay, ngayon ko na lang siya ulit nakitang ngumiti kahit half smile lang.
Nandito siya sa front seat ng sasakyan nakaupo ngayon. Nakakapanibago dahil these past few days ay palagi siyang nasa passenger's seat.
Nakarating na kami sa kompanya. Nakapagtataka dahil dati-rati binababa ko siya sa harapan ng opisina at ako na lang ang mag-isang nagpaparada ng sasakyan sa parking lot. Pero ngayon, pinadiretso niya ang sasakyan sa parking lot. Pagkahinto ng sasakyan, kunot-noo ko lang siyang tiningnan.
"Follow me." Utos niya sa akin.
At bigla na siyang lumabas ng sasakyan. Agad naman akong sumunod. Ano ba talagang balak niya?
Pagbaba ko sa sasakayan, nakita ko siyang nakatayo lang. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Napayuko naman ako bigla.
"Better." He said with his half smile.
Sabay naglakad na siya papunta sa opisina. Ewan ko. Kahit one word lang iyon, feeling ko uminit talaga ang buong mukha ko.
Nakasunod lang ako sa kanya habang panay pa rin ang hila ko pababa sa fitted skirt na suot ko. Walang problema sa suot kong heels. Nagsusuot naman na ako nito before kapag may mga special occasions. Itong skirt lang talaga.
Panay ang bati ng mga empleyado kay Paul lalo na ang mga babae habang naglalakad kami papunta sa elevator. Hindi naman halatang halata na nagpapacute sila. Painosente ko lang pinapanood ang paligid.
Nakarating na kami sa tapat ng elevator. Nauna siyang pumasok at sumunod lang ako. Hindi sumabay sa amin ang ibang empleyado kaya dalawa lang kaming nasa elevator. Tiningnan ko siya. Oh? Bakit ganito naman ngayon ang mukha nito? Hindi na naman maipinta ang itsura.
Sabihin niyo nga sa akin. Akala ko ba ay mga babae ang mahirap intindihin? Eh anong tawag niyo rito sa lalaking 'to?
"Kyaaah. Riyal!"
Kunot-noong napatingin naman siya pagkarinig sa sinabi ko. Napakamot lang ako sa ulo at ngumiti sa kanya.
"Ayy. Wala lang iyon. Expression lang namin iyon sa Zamboanga."
Tumango lang siya at naglakad papunta sa lamesa niya.
Sa ilang buwan ko kasing pagtratrabaho sa kanya, ngayon lang talaga ako nakapasok sa opisina niya at hindi ko talaga maiwasang hindi magulat. Ang ganda ng opisina niya. Hindi 'yung typical na opisinang may upuan at lamesa lang.
Ang ganda ng pagkakaplano para sa interior design. Ang arrangement ng mga gamit ay hindi magulo sa mata. Ang linis tingnan ng kwarto. Basta nganga na lang talaga ako sa ganda.
Umupo siya sa upuan niya habang nakatayo lang ako sa harapan niya. Kinuha niya ang telephone at may tinawagan.
"Jane, see me here in my office."
At wala pang ilang segundo ay may pumasok na isang babae. Sa tingin ko nasa mid-30s or 40s na siya. Siya pala si Miss Jane na assistant niya. Akala ko dalaga pa talaga.
"Yes, Mr. Alcantara?"
"Sherlyn, this is Jane, my former assistant. Jane, meet Sherlyn."
Malawak na ngiti naman ang binigay sa akin nitong Jane at nakipag-shake hands. Former? Tapos nakangiti pa rin siya? Ahh baka promoted. Sabay naman kaming napatingin kay Paul nang magsalita ulit ito.
"Jane, ituro mo kay Sherlyn kung paano ang trabaho mo. Ikaw na rin ang bahalang maglibot sa kanya rito sa kompanya. Siya na ang bago kong personal secretary dito ngayon. Gusto ko bukas na rin siya magsisimula kaya ituro mo na sa kanya lahat."
I really dropped my jaw. Seriously? Kaya pala ganito itsura ko ngayon. Nagtataka ko talaga siyang tiningnan at huling-huli ko rin na pigil lang siya sa pagngiti niya. Hindi naman sa ayaw ko ang bagong trabaho na ito. Ginusto ko rin naman makatrabaho noon sa isang kompanya pero hindi naman itong ganito na on the spot.
Magsasalita pa sana ako kaso inakay na ako palabas ni Jane.
Paul's POV
Natawa ako nang mahina pagkalabas nina Sherlyn ng opisina. She's the only person who can put this smile on my face. Pero hindi ko pa rin maiwasang maikuyom ang kamay ko kapag naaalala ko ang mga sinabi niya noong pauwi na kami galing Tagaytay.
Kalimutan na lang namin ang mga nangyari? F*ck! For God's sake. Sa tingin niya makakalimutan ko lang ng ganun-ganun 'yon?
Ako ang nakauna sa kanya. Damn! Ako ang nakauna.
I felt proud somehow when I knew I was her first. Dahil kung sa akin niya unang binigay lahat, ibig sabihin mahal niya rin ako.
I honestly didn't expect that. Hindi man kapani-paniwala pero isa pa lang ang naging girlfriend ko. And that's Nichole. Naging kami pa dahil sa magulong sitwasyon. Mahalaga sa akin si Nichole pero hindi katulad sa nararamdaman ko para kay Sherlyn ngayon.
Mas naintindihan ko lahat ng iyon habang nasa Tagaytay kami, kaya hindi ko matanggap na mas gusto niyang kalimutan na lang lahat ng mga nangyari. Hindi ako papayag.
Lalo pa ngayong alam kong pinopormahan siya ni Kael.
Napapatiim-bagang na naman ako kapag naaalala ko noong makita ko silang pumasok sa coffee shop kahapon at mahigit dalawang oras pa silang nandoon.
Naiinis akong makita na mas masaya pa siyang kasama ang iba. Ayaw kong makitang ngumingiti siya sa iba. Ayaw kong may lumalapit sa kanyang iba. Ayaw kong may tumitingin sa kanyang iba.
Katulad kanina. Halos gusto kong suntukin lahat ng mga empleyado kong lalaki na panay ang tingin kay Sherlyn. Nakakainis dahil parang hindi man lang din niya iyon nakikita.
Parang gusto kong sisihin si Jane kung bakit ganoon ang binili niyang damit para sa kanya.
Damn it. Ngayon lang ako naging ganito. Ngayon ko lang naramdaman ang ganito. Sa kanya lang ako naging ganito.
Kaya kung kinakailangang bakuran ko siya, gagawin ko. Kahit sa bestfriend ko pa.
-----------------------
A/N:
Thank you sa mga nagpafollow po sa akin !
God bless everyone! :)
BINABASA MO ANG
His Personal Driver
RomanceWARNING: Nakakakulo ng dugo. Not suitable for readers with high blood pressure. HAHAHAHA Enjoy reading! BurningRain's Originals.