HPD 2

450K 6K 224
                                    

[2]

Sherlyn's POV

Ito na ang nasa address! Bakit ganito? Mas kabado pa ako rito ngayon kaysa noong board exam ko? Ang lamig ng pawis ko.

Ang daming nakapilang lalaki. Ano kayang  mayroon? Hindi kaya recruiter siya ng mga gustong mag-macho dancer?

Imagination ko na naman.

"Pwede po magtanong?" Sabay lapit ko sa kalalabas lang na matandang babaeng naka-uniform ng pang-kasambahay.

"Ano iyon, ineng?" Ang sweet ng boses. Na-miss ko na naman si Mama.

"Dito po ba itong address na ito?" Sabay pakita sa papel na hawak ko.

"Dito nga. Anong kailangan nila?"

"A-Ano po... dito po ba nakatira si Anthony Valencia?"

"Naku, hindi ineng eh. Alcantara ang nakatira rito. Bakit pala?"

Haaay. Umurong ang kaba ko. Hindi ko pa pala siya makikita.

"Ah wala po. Ano po pa lang mayroon dito?"

"Mga aplikante sila. Naghahanap kasi ang may-ari rito ng pwedeng ipapalit sa driver niya. Kailangan kasi umalis ng driver niya."

"Pwede pa po mag-apply?"

Nakita kong natigilan ang kausap ko. Ganoon din ang mga nakapila. Napatingin silang lahat sa akin na parang natatawa.

"May problema po ba sa sinabi ko?"

"Wala naman, ineng. Pero sigurado ka ba?"

"Kailangan ko rin ho ng trabaho. Na-snatch po kasi ang pera ko pagdating dito sa Manila."

"Sige, ikaw bahala pero depende pa iyan kung kukunin ka niya. Oh sya, mauna na ako sa loob. Makipila ka na lang diyan."

"Salamat po."



Paul's POV

"Sige. Pakihintay na lang ang tawag ko kung kukunin ko kayo. Salamat."

Umalis na ang aplikante sa harap ko. Kung hindi ko lang kailangan ng driver. Nakakainit ng ulo ang mag-interview. Kapagod na nga sa opisina.

"Paul, ito na meryenda mo. Kumain ka muna."

"Salamat po, manang."

"Walang anuman."

"Manang, pakitawag na rin po ang susunod na aplikante. Salamat." At itinuon ko na ang mata ko sa mga papel na nasa mesa ko.

Narinig kong may kumatok sa pinto.

"Please come in."

Mukhang pumasok na rin ito. Tuloy lang ako sa pagbabasa sa mesa.

"Please have your seat. So, gaano ka na katagal nagmamaneho?" At tumingin na ako sa aplikante.

Natigilan ako. Mali, natulala ako. Napakunot ang noo ko. Seryoso ba ito?

"Good afternoon, sir." Sabay ngiti niya.

Tiningnan ko siya nang maigi. Maganda siya.

Teka. What the hell?

What am I thinking?

"Miss, alam mo ba ang trabahong inaapplyan mo?"

"Driver, sir?" Painosente pang tanong niya.

Natigilan na naman ako at napatitig sa kanya. Bumalik ako sa sarili ko nang makita kong kunot-noo rin siyang nakatingin sa akin.

Focus, Paul. Focus.

"So, bakit ka nag-apply?"

"Kasi kailangan ko po ng trabaho, sir."

"At ito ang naisip mong trabaho?"

"Hmmp..." para pa siyang batang nag-iisip "...parang ganoon na nga po, sir."

She looks so innocent.

"Anong natapos mo?"

"High school po."

"Okay, how about experience sa pagmamaneho? Working experience I mean?"

"W-Wala po, sir."

Napataas ang kilay ko sa narinig ko.

"Then, how can you assure me that I'll be on a safe hand kung ikaw ang magiging driver ko?"

"Laking talyer po ako, sir?"

"And then?"

"Madali lang po akong matuto."

"Where are you from?"

"Zamboanga City, sir."

"Zamboanga?"

"Sa Mindanao po, sir."

"I know where it is. So, you're not from here. Well Miss, I'm sorry to say na hindi ikaw ang hinahanap ko. I need someone na alam na ang pasikot-sikot dito sa Manila at hindi 'yung kailangan ko pang ipasok sa driving school para maturuan. I'm sorry but I think this is not the job for you. But, it's nice to meet you." Sana nga makita pa kita uli.

"Bueno ya lang bale gayot de tuyu ohos." (Buti na lang maganda iyang mga mata mo.)

Narinig ko siyang bumulong. What? Dinadasalan ba ako nito?

"What did you say, Miss?"

"Ah sabi ko po have a nice day din po, sir. Sige alis na po ako."

At lumabas na nga siya ng kwarto. Iba rin ang trip ng babaeng iyon.

I just don't know but I found myself...




...smiling.

His Personal DriverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon