HPD 17

332K 4.2K 36
                                    

[ 17 ]

Kael's POV

Hindi ko na talaga maintindihan ang tumatakbo diyan sa utak ng kaibigan ko.

Isa sa pinakamatalinong taong kilala ko pero nasaan na ngayon? Tssss. Hindi ko hahayaang masaktan lang si Sherlyn.

Kakalabas ko lang ng opisina ni Paul nang makasalubong ko ang pinunta ko naman talaga rito. Saglit pa siyang nabigla sabay ngumiti ulit. Isang ngiti lang niya ay nawala na agad ang init ng ulo na nakuha ko sa loob ng opisina ni Paul. Ano bang mayroon sa ngiti niya?

"Paalis na po kayo agad, Sir?"

"S-Sir? Too formal naman."

"Siyempre noon Kael lang kasi kay Sir Paul lang ako personally nagtratrabaho. Pero ngayong isa na rin ako sa empleyado rito sa company, ibig sabihin ay isa ka na rin sa mga big boss ko rito. Di ba, di ba?"

Para siyang bata na kinukumpas-kumpas pa ang hintuturo habang nagsasalita. Kahit anong gawin niya, nakakaturn on talaga sa akin.

"Papunta ka ba kay Paul ngayon?"

"Ah oo sana. Tatanungin ko sana kayo kung anong meryenda ang gusto niyo."

"Tamang-tama at balak ko sana pumunta sa coffee shop sa baba. Samahan mo na lang ako."

"Huh? Office hours pa. Baka kailanganin ako mamaya ni Sir Paul."

"Ako bahala. Sagot kita." Sabay kindat ko sa kanya.

"P-Pero..."

Hindi na siya nakatutol dahil hinila ko na siya palabas.

 Sa totoo lang, hindi ko naman na kailangan ipaalam si Sherlyn kay Paul dahil kita kong nakatingin na siya sa amin kanina pa mula sa loob ng opisina niya. Glass walls ang opisina ni Paul kaya siguradong kitang-kita niya kami.



Sherlyn's POV

Grabe. Usap-usapan na pala ako ng mga kapwa ko empleyado rito. Hindi ko rin naman sila masisisi. Eh kahit nga ako nahihiwagaan sa mga kinikilos nitong sina Paul at Kael.

Napapansin ko rin naman iyon. Para saan pa ang mga logic subjects ko noong college kung hindi rin na-improve ang critical thinking ko. Naaaaaks. Pero wala naman akong naiisip na possible reason. Hindi naman ako feelingera.

Si Kael ay araw-araw nandito sa opisina at nagyayaya palagi sa coffee shop. Sinusubukan kong tumanggi kaso debater yata ito noong college. Ang galing magrason ehh. Nauubusan ako ng isasagot kaya in the end, kinakaladkad na naman niya ako para magmeryenda.

Si Paul naman sobrang istrikto sa mga ginagawa ko. Gusto always updated sa lahat. Kulang na lang pati bilang ng pag-inhale and exhale ko, iinform din sa kanya. Pumapayag siyang sumama ako kay Kael kapag pinapaalam ako sa kanya pero pagbalik ko naman parang anytime sasabog ang Bulkang Mayon.

Ngayon sabihin niyo sa akin, sino ang hindi malalagas ang buhok sa dalawang lalaking ito? Mag-best friend nga talaga.

"Huwag mo na akong isipin. Kasama mo na nga ako eh." Natatawang sabi niya.

His Personal DriverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon