[ 13 ]
Sherlyn's POV
Iminulat ko ang mata ko at mag-isa na lang ako sa kwarto. Tiningnan ko pa ang paligid kung naroon pa rin siya pero wala na. Nasa conference na siguro nila. Sinilip ko pa ang sarili ko na natatakpan pa rin ng puting kumot. I'm naked. Nasapo ko ang noo ko.
Sherlyn! Huwag kang tanga. Malamang ngang hubo't hubad ka ngayon. Edi ba nga, ang lakas mong makalandi kagabi? Sita ko sa sarili ko.
Umupo ako sa kama habang hila-hila ko ang kumot para matakpan ko pa rin ang sarili ko.
I bit my lower lip nang pumasok ulit sa isip ko lahat ng mga nangyari kagabi. Nagawa ko talaga iyon? Nakaya ko siya? Malamang nakaya ko nga. Patunay niyan ang nararamdaman kong masakit sa ano ko... sa ano... ayyy basta iyon! Ang hapdi niya.
Iniinda ko pa ang sakit sa 'ano' ko nang tumunog ang cellphone ko na bigay siyempre niya. Tiningnan ko iyon at sa kanya nga galing ang message.
From: SirNget -_-
Good morning. Are you awake? :)
Halaa first time niya naglagay ng smiley sa text niya! Kapag ganyan, siyempre reply agad.
To: SirNget -_-
Yes SirNget! Sorry po kagigising ko lang. Sana po ginising niyo na lang ako kanina para naihatid ko po kayo.
Kinikilig ako! Bigla namang nag-ring ang phone. Ay sosyal nga pala ito. Tumawag siya agad pagkareply ko. Bigla naman akong nakaramdam ng awkward feeling.
"H-Hello, sir..." Spell awkward?
[Hey, how are you?]
"O-Okay naman po, sir... medyo masakit lang po ang ano..."
Shit! Sabay takip ko sa bibig ko. Ano ba naman iyon! Sa sobrang tense ko pati iyon ay nasabi ko. Narinig ko siyang tumawa.
[Oh sorry. Nasaktan ba kita?]
"Ahhh... S-Sir ano... ahmmp ano... Sir, change topic na lang po."
Narinig kong tumawa na naman siya ulit nang mahina. Pati tawa niya ang gwapo! Sige Sherlyn, saan mo hahanapin ngayon ang kahihiyan mong nawawala?
[You're really something, Sherlyn. Well, nag-breakfast ka na ba?]
"Ahmmp. Hindi pa po, sir."
[What? Sige kumain ka na. Huwag mo na pala akong sunduin dito mamaya. Paki-ayos na lang ng mga gamit natin para diretso na tayo pauwi sa Manila pagbalik ko.]
"O-Okay po, sir."
[Sige.]
Ibababa ko na sana ang phone nang magsalita pa siya ulit.
[And by the way, please don't call me Sir. Paul will do, okay?]
At bigla na niyang inend ang call.
Gahd! Para akong tanga. Ngumingiti ako nang mag-isa! Hindi ko maiwasang maalala ulit lahat ng mga pinaggagawa ni Paul. The way he kissed me, the way he touched me, halaaa. Nagiging manyak na ako pero nag-iinit lalo ang mukha ko.
The way he made love with me...
At iyon! Para akong sinampal ng isang blokeng yelo at nagising sa mga kahibangan ko...
Love...
Yes, I love him. I gave up myself and made love with him.
Sinuko ko ang bataan sa taong mahal ko pero hindi ko alam kung mahal din ba ako. Mahal din nga ba niya ako? At parang isang sampal uli ng isang malaking bloke ng yelo ang gumising sa akin.
Nakipagsex ako sa taong hindi ko sigurado o maski alam kung mahal din ba ako. And worst, siya ang boss ko ... at boyfriend ng kapatid ko!
I don't regret anything. Hindi ko pinagsisisihan na binigay ko ang sarili ko sa kanya. Pero kahit bali-baliktarin natin lahat... mali ang nangyari.
Para akong isang babaeng bayaran na nakipag-one night stand.
Tinanggal ko ang karapatang galangin ako ng ibang tao.
***
Mag-aalas singko na ng hapon.
Nakaligo na ako at naayos ko na rin ang mga gamit namin ni Paul. Nailipat ko na rin sa sasakyan ang mga dala naming gamit kaya siya na lang ang hinihintay kong dumating. Medyo masakit pa rin ang katawan ko pero kaya pa naman makapagmaneho. Mga 5:30 na nang dumating siya. Mukhang masaya siya noong binati ako.
When he was about to kiss me on my forehead, umiwas ako. Nakita kong kumunot ang noo niya pero hindi naman na siya nagsalita. Tahimik lang kami pareho habang nasa biyahe. Nahuhuli ko siya paminsan-minsan na tumitingin sa akin, pero iiwas din siya kapag nililingon ko na siya.
"Do we have a problem, Sherlyn? Is it about what happened last night?"
Nagulat ako sa biglang tanong niya. Paano ko nga ba sasabihin?
"Ano, sir..."
"Paul..." Pagtatama niya sa akin.
"P-Paul, I mean..."
"Yes?" Nakangiti niyang sabi.
"P-Pwedeng kalimutan na lang po natin ang nangyari kagabi?"
"W-What?" Gulat na tanong niya na ikinagulat ko rin dahil napalakas ang boses niya.
"Sir. I-I mean, Paul... alam po nating hindi tama iyon. May girlfriend po kayo, si Ma'am Nichole. A-Ayoko pong isipin niyo na kaladkarin akong babae at sigurado pong masasaktan si Ma'am Nichole."
Kitang-kita ko ang pagbabago sa mukha niya. Kinabahan ako at halos hindi ko na mapokus ang isip ko sa dinadaanan namin. Narinig kong huminga na lang siya nang malalim at tuluyang hindi na ulit nagsalita sa buong biyahe namin.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko.
Sige, inaamin ko. Siguro dahil umaasa ako na ipagtatanggol niya ako, pero ang sakit lang na wala man lang akong narinig na pagtutol galing sa kanya.
Siguro nga iniisip niya na napakadali ko lang na babae.
Siguro nga I'm a whore ... a bitch ... a slut ...
at inaahas ang sariling kapatid.
Bakit kasi pareho pa kami ng minahal ni Nichole?
***
A/N:
Mabilis bumigay si female lead? I have reasons kung bakit :)
BINABASA MO ANG
His Personal Driver
RomanceWARNING: Nakakakulo ng dugo. Not suitable for readers with high blood pressure. HAHAHAHA Enjoy reading! BurningRain's Originals.