Thank you po talaga sa lahat ng nagpray for our safety! :)
Ito po. I'm still alive! Need ko pa mabuhay para matapos ang HPD :D
[ 32 ] Part 1
Paul's POV
Katatapos lang ng meeting ko with some important investors ng company. Kanina ko pa talagang gustong tapusin ang pakikipag-usap sa kanila kaya hindi maalis ang ngiti ko habang pabalik na ako sa opisina.
Ramdam ko ang gulat sa mga mukha ng mga empleyado kong nakakakita sa akin. Mag-aalisan na sana sa elevator ang iba nang makitang pasakay ako pero pinigilan ko na sila. Bakit ba ayaw nilang sumasabay sa akin? Wala naman ako ni minsang sinabing bawal na may makasabay ako sa elevator. Tssss.
Ngayon lang ba ako ngumiti habang naglalakad?
Napapailing na lang ako. Napatingin ako sa mga kasama ko sa loob ng elevator. Halos lahat sila'y nakangangang nakatingin sa akin.
Gusto kong matawa sa itsura nila pero pinigil ko na lang. Nagseryoso na lang ako ng mukha sabay iwas nila ng tingin sa akin.
This is all your fault, Sherlyn. Napangiti na naman ako.
Sherlyn's POV
Abala ako sa pag-aayos ng mga gamit sa opisina ni Paul ngayon. Nasa isang private meeting kasi siya with some investors ng company. Hindi naman ako kailangan doon kaya nag-ayos na lang ako rito.
Hindi ganoon kaorganisado sa gamit itong si Paul. Medyo nagkakalat ang mga papers sa desk niya at halu-halo ang mga folders. Pero ang nakakatuwa kahit anong gulo ng mga gamit niya, alam niya kung saan hahanapin ang mga bagay na kailangan niya.
May mga ganoong tao talaga noh? Ako kasi kabaligtaran eh.
Habang inaayos ko ang mga folder sa desk niya, may isang bagay na nahulog mula rito. Pinulot ko ito mula sa sahig. Hindi ko maiwasang magulat na makitang isang litrato ito. Litrato ng isang batang lalaki at babae.
Ilang minuto lang akong nakatitig dito kaya halos malaglag ang puso ko sa gulat nang may yumakap sa akin mula sa likuran ko.
Paul's POV
Natawa ako nang maramdaman kong bahagya pang nagflinch ang katawan niya mula sa pagkakayakap ko sa kanya. Tumingin siya sa akin kaya sinalubong ko iyon ng halik.
Tipid lang siyang ngumiti sa akin.
"What's wrong?" Tanong ko sa kanya habang paupo ako.
Umiling lang siya, sabay inabot niya sa akin ang litratong hawak niya. Ang litrato namin ni Shana. Tiningnan ko siya na tahimik pa ring nakatayo.
"Hey, are you jealous?"
Umiling lang siya ulit. Napangiti ako.
Kaya hinila ko na siya papunta sa akin.
"Sino 'yang nasa picture?"
Tiningnan ko rin ulit ang picture na hawak na niya ulit. I kissed her shoulder first before I answered.
"Oh that one. That was me when I was eight years old I guess..."
Tumango lang siya.
"And the other one?"
Napangiti ako. Mukhang nagseselos nga.
"Shana. I think she was just five in that picture..."
Bigla naman siyang napatingin. Gulat ang nakarehistro sa mukha niya.
"S-Shana? H-How did you meet her?"
"Childhood friend namin siya ni Nichole pero bigla na lang siyang nawala. We tried to find her pero hindi namin siya nahanap."
And my first love, too. Pero hindi ko na sinabi dahil dati pa naman iyon.
Sherlyn is the most important person to me now.
"A-Are you sure na Shana talaga ang name niya?"
Kunot-noong tumingin naman ako sa kanya.
"Yes. Why?"
Nagulat ako nang bigla na lang siyang yumakap sa akin.
"Hey, what's wrong? You're not jealous with that, are you?"
Umiling lang siya at mas hinigpitan ang pagyakap sa akin. Pinilit kong ihinarap ang mukha niya sa akin.
"Hey, what are these tears for?"
Nagulat ako ng makita kong namumula na ang dalawang mata niya at may namumuong luha mula rito. Yumakap lang ulit siya sa akin.
"Sherlyn, I'm starting to get worried. Ano'ng problema?"
"Hindi ko na kilala sarili ko, Paul. Ano ba talagang nangyari? Sino nga ba ako?"
Nakayakap pa rin siya sa akin. I am getting puzzled by her words. Hinarap ko siya sa akin at hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya.
"Tell me. What's bothering you?"
Kasabay nito ang pagtulo ng luha niya sa mga kamay ko.
"Sherlyn..."
"That child... 'yung nasa picture. Paul, ako ang batang nasa picture. Pero bakit wala akong maalala? Bakit Shana ang pangalan ko diyan?"
I was stunned.
I never thought I could hear this in my life. It took a long moment of silence before I reached into a decision. I dialed Kael's number.
[Yow! Zup?]
"I'll give you an address. Puntahan mo at sunduin mo siya. Hihintayin ko kayo sa bahay."
[Who?]
"Ngayon na."
[Pffft. What a name!]
Napailing ako. I ended the call. Hinila ko ang kamay ni Sherlyn at nagmamadali kaming lumabas ng opisina.
Siya lang ang makakasagot ng lahat ng tanong sa utak ko ngayon.
Ano ba talaga ang nangyari noon?
BINABASA MO ANG
His Personal Driver
RomanceWARNING: Nakakakulo ng dugo. Not suitable for readers with high blood pressure. HAHAHAHA Enjoy reading! BurningRain's Originals.