HPD 14

322K 4.1K 54
                                    

[ 14 ]


Kael's POV


Kainis. Halos isang linggo kong hindi nakita si Sherlyn. Sinama kasi ni Paul sa Tagaytay. Dapat nga ay susundan ko ang dalawa roon kaso may iniwan namang trabaho sa akin si Paul. Kung hindi ko lang alam ang tungkol sa kanila ni Nichole, iisipin ko talagang nilalayo niya sa akin si Sherlyn.

Pero nakabalik naman na sila noong isang araw. Makakaporma na rin ako kay Sherlyn.

Ang pinagtataka ko lang talaga ay ang pagiging mas mainitin ng ulo ni Paul simula noong dumating sila galing Tagaytay. Tulad kanina, kitang-kita ko ang pagpapanic sa mga itsura ng empleyado noong dumating ako rito sa kompanya.

Nagkakaganyan lang naman silang lahat kapag red alert sila kay bossing. Ano kayang nangyari doon? Sabagay, marami naman talagang problema iyon. Kay Tita Sylvia pa lang...

"Hey what's up, Tol! Why so hot?" Pang-aasar ko sa kanya.

Tiningnan niya lang ako nang masama. Woah. Kapag ganyan ang tingin niya, red alert nga lahat.

"Hindi ko maalalang pinapunta kita rito."

"Dinadalaw lang kita. Init yata ng ulo natin?" Sabay upo ko sa upuan na nasa harap ng lamesa niya. 

"Wala akong oras para makipagkwentuhan ngayon. Marami pa akong ginagawa. Sa susunod na lang, Pare."

Ano kayang problema nito?

Tumayo na lang ako at nagkibit-balikat.

"O sige, aalis na ako pero huwag ka masyadong mainit ang ulo. Nakakaawa ang mga empleyado mo sa baba. Halos nagtatayuan na ang mga buhok sa takot sa iyo."

Natatawa kong sabi bago ko sinara ang pinto ng opisina niya.


Kakalabas ko lang sa building nang makita ko ang anghel ng buhay ko sa parking lot. Nililinis niya ang sasakyan kaya nilapitan ko siya.

"Busy?"

Nagulat naman siya at biglang napalingon. Huwag lang siyang ngingiti.

"Ayy kayo po pala, Sir. Pinuntahan niyo po si Sir Paul?" Sabay ngiti niya.

Iyon lang! Ngumiti siya. Nagsimula na naman akong dagain. Siya lang ang nakakagawa ng ganito sa akin.

"Yup. Yayain ko sana kaso busy masyado ngayon eh." Napakamot na lang ako ng ulo.

"Ahh. Masungit po ba, Sir?"

Natawa ako. Mukhang nadamay din siya sa init ng ulo ng isa.

"Bakit? Sinungitan ka rin ba?"

Tipid na ngumiti lang siya.

"Paalis na po ba kayo, Sir?"

"Sana. Kaso nakita kita rito kaya tatanungin na rin kita."


"P-Po? Tungkol saan, Sir?"




Sherlyn's POV


"Sana. Kaso nakita kita rito kaya tatanungin na rin kita."

"P-Po? Tungkol saan, Sir?" Bigla akong kinabahan sa sinabi niya.

Alam na kaya ni Sir na may nangyari sa amin ni Paul? Hindi rin naman kasi imposible dahil mag-best friends sila.

Simula rin kasi noong dumating kami sa bahay galing sa Tagaytay, 24/7 na ang kasungitan mode niya. Hindi na rin siya ngumingiti hindi tulad noong nasa hotel kami. Kahit pati tuwing nasa sasakyan kami, hindi rin siya nagsasalita.

Akala ko sa akin lang siya ganoon. pero nang marinig ko kay Sir Kael na kahit sa opisina ay ganoon rin siya, napaisip ako kung bakit.

Dahil ba roon sa sinabi ko? O baka nagkaproblema na sila ni Nichole dahil sa akin?

"Ahh. Itatanong ko lang kung okay lang sa iyo na samahan mo akong magmeryenda? Wala kasi akong kasama. Okay lang ba sa'yo?"

Hay. Nakahinga naman ako nang malalim. Akala ko kung ano na ang itatanong niya. Paranoid na nga yata ako.

"O-Okay lang po, Sir..."

Ngumiti naman siya sa akin. Sigurado akong asset niya iyang ngiti niyang 'yan.

"Great. Diyan na lang tayo sa may coffee shop ng building para hindi ka na lalayo. Baka magtransform na iyong boss mo sa kasungitan niya."

Natawa naman ako doon. May pagkapareho pala kami ng way ng pagsasalita.

"S-Sige po, Sir."

"And huwag mo na akong tawaging Sir. Hindi naman ako ang boss mo. Kael na lang."

Napangiti naman ako.

"So, let's go?"

Tumango naman ako.

Inabot din kami ng halos dalawang oras sa coffee shop. Enjoy naman kasing kausap itong si Kael. Ang lakas din ng sense of humor kaya halos sumakit na ang tiyan ko katatawa.

Noong una, naiilang pa ako dahil panay ang tingin sa amin ng mga empleyado. Mukhang napansin naman iyon ni Kael kaya sinabi niya na huwag ko na lang daw pansinin. Normal lang daw talaga pagtinginan ang isang gwapo at isang maganda na pinagsama.

Laughtrip din talagang kakwentuhan 'to. Buti nga at naalala ko pang tingnan ang relo ko. Alas sais na rin pala.

"S-Sige, Kael. Kailangan ko na mauna. Sigurado pababa na rin ang masungit kong amo. Ihahanda ko na ang sasakyan."

Tumango lang si Kael at ngumiti.

"Sige. Samahan na kita."

Hindi naman na ako nakatanggi dahil sumunod na rin siya sa akin.

Nasa labas lang kami ng sasakyan at nagkakatawanan nang dumating si Paul. Nagpaalam na si Kael sa amin. Tumango lang sa kanya si Paul.

Pagkaalis ni Kael, tahimik lang akong napatingin sa kanya. Pero walang kibo-kibo, pumasok lang siya agad sa kotse nang hindi na hinihintay na pagbuksan ko siya.

Napahinga na lang ako nang malalim at pumasok na rin sa loob ng sasakyan.


***


Kinabukasan...


Nagulat ako nang makita ko si Paul na nasa tapat ng pinto at nakatayo paglabas ko ng kwarto.

"S-Sir? Aalis na po ba tayo? Ihahanda ko na po ang sasakyan."

"Not yet. Ito ang isuot mo ngayon." Sabay abot sa akin ng isang paper bag.

Sinilip ko iyon at kunot-noong tumingin sa kanya. Hindi naman siya nagsalita at umalis na lang agad. Ano bang trip ng taong iyon?

Bumalik na lang ako sa kwarto at ginawa ang sinabi niya.



Bakit pang-opisina ang damit na ito?


His Personal DriverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon