[ 36 ]
Sherlyn's POV
Parang ang haba-haba naman ng araw na ito. Ang daming nangyari.
Mga ilang minuto na rin akong nakaupo lang sa sofa mula nang umalis na si Paul pagkahatid niya sa akin dito sa apartment. Tiningnan ko ang paligid ng bahay.
Medyo madumi na rin pala. Ilang araw ko na rin kasing hindi nalilinis ito. Kaya tumayo ako at dahan-dahang inayos ang loob ng apartment ko.
Inipon ko ang lahat ng basura saka ako lumabas para ibaba ang mga iyon. Tamang-tama rin at bukas na ang schedule ng pangongolekta ng basura rito sa lugar namin.
Inaayos ko ang mga basura sa trash bin nang may tumawag sa akin.
"Sherlyn!"
Paul's POV
Kakabalik lang namin ni Mang Kaloy sa bahay nang magring ang phone ko.
Si Nichole.
"Nics? Where are you? Are you okay?"
[Paul, are you with Sherlyn?]
"Kakahatid lang namin sa kanya sa apartment niya. Gusto mo ba siyang makausap?"
[Paul, listen. Mas malapit ka sa apartment ni Sherlyn. Puntahan mo siya ngayon. Make sure she's okay. I'm on my way now.]
Bigla akong kinabahan sa sinabi ni Nichole.
"Wait. B-Bakit? Ano'ng nangyayari, Nics?"
[Alam na rin pala ni Mommy na si Sherlyn ang anak ni Daddy. Sherlyn is in danger!]
"Shit!"
I immediately dropped the call at tinawag agad si Mang Kaloy. Just wait for me, Sherlyn.
Huwag na huwag lang silang magkakamali.
Sherlyn's POV
Gulat na napatingin naman ako sa pinanggalingan ng boses.
Si Paul lang pala. Lumabas na siya sa sasakyan. Kumaway muna ako kay Mang Kaloy na nasa loob lang ng sasakyan saka kunot-noo naman akong tumingin kay Paul.
"Bakit bumalik ka? May naiwan ka ba sa loob?"
"Kanina pa kita tinatawagan ah. Hindi ka sumasagot. I was so fucking worried. Are you okay?"
Napakamot naman ako sa ulo.
"Nasa loob pa kasi ng bag ko ang cellphone at saka na-focus ako sa pag-aayos sa loob kaya siguro hindi ko naririnig ang tawag mo. Sorry."
Nakangiting hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya.
OA naman kasi sa pag-aalala itong boyfriend ko pero nakakakilig din. Mahigpit naman niya akong niyakap na ikinataka ko.
"Paul, may problema ba?"
"W-Wala naman."
"Sigurado ka? May iba kasi diyan sa kinikilos mo ehh."
Ngumiti lang siya.
Nichole's POV
Sana kahit isa sa amin nina Paul at Kael ang mauna kina Sherlyn. I hope she's still okay.
I smiled with the thought na half-sister ko siya.
Naaalala ko pa one time, sinabi ko kay Manang Pilar na sana nga kapatid ko na lang siya noong minsan sinabi ni Manang na magkamukha raw kami ni Sherlyn.
Kaya pala ang gaan-gaan ng loob ko sa kanya.
Noon kasi mabilis na umiinit ang ulo ko kapag may ibang napapalapit na babae kay Paul, lalo na noong college days niya. Nagagalit ako sa mga babae na gustong mapalapit sa kanya.
Pero nang makita kong kasama siya ni Paul habang nakangiti noong una kong balik dito sa Pilipinas, parang ang saya ko rin para sa kanilang dalawa.
Iyon pala ay may deep reason kung bakit ganoon na lang ako kakomportable kay Sherlyn. Mas napangiti ako nang makita ko ang dalawa na nag-uusap sa harap ng gate ng apartment.
Bumusina ako na ikinalingon nilang dalawa. Kita ko sa mukha ni Sherlyn ang pag-aalala kaya bumaba na ako ng sasakyan.
Ngumiti ako sa kanya.
Pero nakuha ang atensyon ko ng isang umaandar na sasakyan na may sakay na isang lalaki at may hawak na baril. Nakatutok iyon sa direksyon ni Sherlyn.
"Ateeee!"
Awtomatikong tawag ko sa kanya sabay takbo papunta sa kanya.
Sherlyn's POV
Sabay pa kaming napatingin ng may bumusina na sasakyan.
Si Nichole.
Napatingin ako kay Paul na nakangiting nakatingin lang din kay Nichole. Bumaba na siya sa sasakyan niya at ngumiti sa akin.
Dahil sa ngiting iyon, parang nabunutan ako ng tinik sa puso ko.
"Ateeee!"
Hindi ko alam kung saan ako mas nagulat. Sa pagsigaw niya ba o sa pagtawag niya sa akin ng "ate"??
Tumakbo siya palapit sa amin ni Paul.
At awtomatiko naman akong niyakap ni Paul at sinubsob ang ulo ko sa dibdib niya kasabay nito ang putok ng baril mula sa isang sasakyan, pero kitang-kita ko pa rin kung paano nasagasaan ng sasakyan si Nichole.
Kasabay nito ang pagbalik sa alaala ko ng nangyari noong bata ako at panlalamig ng buong katawan ko.
Lahat ng iyon ay nangyari sa isang iglap lang. Halos sabay-sabay.
Ang bilis ng mga nangyari. Sobrang bilis.
"Sir Paul / Nichole!!" Halos sabay na sigaw din ni Mang Kaloy at ni Kael na kararating lang. Agad silang lumapit sa amin.
"Ma'am Sherlyn, ayos ka lang ba? May tama si Sir Paul sa likod." Pero parang nawala ang boses ko. Hindi ako makapagsalita.
Basta ang alam ko nanginginig ang buong katawan ko at walang hinto ang pagtulo ng mga luha sa mata ko.
"Shit! Nichole!" Dinig kong sigaw ni Kael.
Parehong walang malay si Paul at Nichole. Ang dami na ring tao sa paligid.
"Mang Kaloy! Kayo ho ang magdala kay Paul sa ospital at ako naman kay Nichole. Dali!"
Natatarantang kumilos naman agad si Mang Kaloy at binuhat si Paul.
Tumulong na rin sa pag-alalay ang ibang kalalakihan na nasa paligid namin. Naiwan pa rin akong nakaupo at nanginginig sa takot.
Lumapit sa akin si Kael at itinayo ako.
"Sherlyn, makinig ka. Ngayon mo mas kailangan maging matatag para sa kanila. Kailangan ka ni Paul. Naiintindihan mo ba ako? Sa ospital na lang tayo magkita. I'll call Tito Anton."
Tumango lang ako.
Niyakap muna ako ni Kael para kumalma ako at inalalayan niya ako papasok sa kotse ni Paul. Mabilis na pinaandar ni Mang Kaloy ang sasakyan.
Nasa backseat ako habang yakap si Paul. Sinusubukan kong pigilin ang pagdugo nang pagdugo ng tama niya sa likod.
Ganito rin ang paraan ng pagkakayakap ko noon ng makita ko si Mama na wala ng buhay pag-uwi namin ni Onel sa bahay. Hindi ko na mapigilang mapahagulgol.
Nawala na sa akin si Mama nang maaga. Nawala na rin sa akin ang baby ko ng hindi ko man lang siya nararamdaman sa tiyan ko.
Diyos ko. Huwag naman po sanang pati ang kapatid ko at lalaking pinakamamahal ko.
Hindi ko alam kung kakayanin ko pa.
Hindi ko na po kakayanin.
BINABASA MO ANG
His Personal Driver
RomanceWARNING: Nakakakulo ng dugo. Not suitable for readers with high blood pressure. HAHAHAHA Enjoy reading! BurningRain's Originals.