HPD 37

233K 3.2K 34
                                    

[ 37 ]


Sherlyn's POV


Ilang araw ng nasa ICU si Nichole at si Paul naman ay kakalipat lang kahapon sa isang private room pero wala pa rin ni isa sa kanila ang nagkakamalay na. Sa bawat araw na hindi pa rin sila nagkakamalay, halos parang paunti-unti na rin akong namamatay sa takot at kaba.

"Sherlyn, hija. Mabuti pa umuwi ka muna. Ako muna magbabantay rito kay Paul."

"Okay lang po, Manang. Dito na lang po ako. Baka gumising po si Paul, gusto ko nandito lang ako."

"Tama si Manang Pilar, Sherlyn. Hindi ka pa umuuwi simula noong dumating tayo sa ospital. Tara na, ihahatid na kita."

"Ayos lang talaga ako dito, Kael."

"Huwag na matigas ang ulo. Sige ka, baka nga nandito ka paggising niyang best friend ko pero hindi ka naman niya makilala. Tingnan mo nga iyang mata mo, ang lalim na ng eyebags mo. Eh kahit nga ako baka hindi ka na makilala sa mga susunod pa na araw."

Ngumiti na lang ako.

Kahit paano rin naman kasi si Kael ang nagpapagaan ng atmosphere sa paligid dahil palagi niyang pilit na pinapangiti pa rin kaming lahat, kahit na sa gitna ng pare-pareho naming pag-aalala sa dalawa.

Sa huli ay napilit na rin ako ni Kael at siya na nga ang naghatid sa akin.

Nakarating kami sa tapat ng apartment ko. Napahinga ako nang malalim. Ito rin kasi ang isa sa dahilan kung bakit ayaw ko muna bumalik dito.

Naaalala ko na naman iyong nangyari noong gabing iyon dito mismo sa harap ng gate na ito.

Tumulo na naman ang mga luha ko. Inalalayan na lang ako ni Kael hanggang sa loob ng apartment ko.

"Sige na Kael, okay na talaga ako."

"Tsk. Wala naman akong sinabing hindi ka okay ahh?"

Natawa naman ako.

Oo nga naman. Hindi rin naman kasi siya nagsasalita simula noong bumaba kami sa sasakyan.

"Sige na matulog ka na. Kakapuyat mo sa ospital, kung anu-ano na sinasabi mo. Dito lang ako sa sala."

Pilit na nakangiting tumango naman ako.

"Salamat, Kael."

"Huwag ka mag-alala, sisingilin ko naman 'yung best friend ko paggising niya."



Kael's POV


Tumayo ako sa sofa at sinilip ko si Sherlyn sa loob ng kwarto niya. Napahinga ako nang malalim ng makita kong nakatulog na siya.

Sa totoo lang pinipilit ko lang rin na lakasan ang loob ko. Ayaw kong ipakitang natatakot din ako para kina Nichole at Paul ngayon.

Masakit na makitang parehong nasa delikadong kalagayan ang matalik na kaibigan mo pero sa tuwing nakikita ko si Sherlyn na pinapatatag ang sarili, sino ba naman ako para sumuko?

I know kung gaano mas mahirap ang situation ni Sherlyn.

Dahan-dahan akong lumabas when I heard my phone ringing.

"Yes, Tito?"

[How is she?]

"She's already sleeping."

His Personal DriverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon