HPD 33

232K 3.4K 54
                                    

[ 33 ]

Sherlyn's POV

Hindi ko na napigilang umiyak nang marinig ko sa kanyang tinawag niya akong anak. Ganito pala ang pakiramdam. Niyakap naman ako ni Paul at dahil sa ginawa niya ay mas lalong lumakas ang loob kong harapin ang lahat ng maaari kong marinig mula sa totoong tatay ko.

"Paano po nangyari lahat ng ito, Ninong?" Si Paul na ang nagsalita para sa akin.

Huminga nang malalim si Mr. Valencia saka nagsimulang magsalita.

"Magbabarkada kami ng mga magulang niyo noon pa. Ako, si Alex, at si Vangie ang matalik na magkakaibigan habang sina Sheila, Sylvia, Andrew, at Miandra naman. Naging isang barkada kami dahil sa akin at kay Sheila.

Kasintahan ko na ang Mama mo, Sherlyn, highschool pa lang kami at mas lalong naging isa ang barkada mula noong magpakasal sina Alex at Miandra na sinundan nina Vangie at Andrew."

"K-Kaibigan niyo rin po sina Tita Vangie?" Hindi ako makapaniwala.

Pati ba naman sila?

Tumango siya bilang sagot sa tanong ko.

"Kung kayo po pala ng Mama ni Sherlyn, paano po naging kayo ni Tita Sylvia?"

Bumuntong hininga muna siya saka itinuloy uli ang kwento niya.

"Habang nagiging matatag kami ni Sheila noong nasa kolehiyo na kami, lingid sa kaalaman naming lahat na matagal na rin palang may gusto sa akin si Sylvia. Alam ninyo Paul at Kael kung gaano naman ka-influential ang pamilya nina Sylvia noon pa man.

At dahil doon, madali niyang nagawang gipitin ang pamilya ko. Kapalit ng pagbalik niya sa negosyo ng pamilya ko ay ang hiwalayan si Sheila, pero hindi ako pumayag. Hindi ko na rin ipinaalam sa magkakaibigan ang mga pinaggagawa ni Sylvia sa amin."

Halos walang humihinga sa amin nina Paul at Kael habang nakikinig.

"Hanggang dalawang taon na noon si Paul at ipinagbuntis ka naman ni Sheila. Nang nalaman iyon ni Sylvia, mas lalo siyang nagalit at mas lumala ang pagseselos niya sa Mama mo. Pinaglaban ko si Sheila, maniwala ka anak. Lahat ginawa ko para sa inyo.

Pero kung gaano ako kapursigidong ipaglaban kayo, siya ring mas ikinadesidido ni Sylvia na alisin kayo sa buhay ko. Pinagtangkaan niyang patayin si Sheila at puntiryahin ka sa tiyan niya para mamiscarriage ka ng Mama mo."

Panay ang pagpunas ko sa mga luhang tuluy-tuloy na tumutulo sa mata ko. Kita ko rin ang pagkuyom ng kamay ni Paul at pagsalubong ng kilay ni Kael sa mga narinig namin sa Papa ko.

"Pumayag na ako sa gusto niya. Pinakasalan ko siya. Tinago naman kayo ng Mama mo nina Vangie at Andrew pagkatapos kang maipanganak dito sa Manila para mailayo na kayo kay Sylvia.

Isang taon mula nang isilang ka, ipinanganak naman ni Sylvia si Nichole. Si Alex at Miandra ang naging tulay namin para maibalita sa akin ni Mama mo ang tungkol sa inyo. Sa kanila pinapadala ni Sheila ang mga sulat na ito para sa akin."

"Pero Ninong, bakit po nakasama namin ni Nichole si Sherlyn noon?" Tanong ni Paul.

"At bakit wala po akong maalala kahit kaunti tungkol doon?" Dugtong ko.

Napayuko naman saglit ang Papa ko sabay tumingin ulit sa aming tatlo.

"Gustong-gusto na kitang makita noon, anak. Alam ko rin kung gaano nahihirapan ang Mama mong tumatayo bilang ama't ina sa iyo. Pero kahit masakit sa akin, wala akong magawa. Mas kailangan kong masiguradong ligtas kayo. Gusto ka na rin makita ng Tito Alex at Tita Miandra mo noon kaya sa tulong nila, dinala ka rito nina Vangie at Andrew sa bahay nila.

Limang taon ka na noon. Dahil doon, nagkaroon kami ng pagkakataong makasama ka. Shana ang pangalan mo noon at ipinakilala ka namin bilang pamangkin nina Vangie."

"S-Shana? Pero Sherlyn po ang pangalan ko noon pa at iyon po ang nasa birth certificate ko."

He smiled at me bitterly. And I saw him closing his fists.

"Hindi namin alam kung paano pero nalaman ni Sylvia ang totoo. Ipinapatay ka niya...

Sabay-sabay na naglakihan ang mga mata namin nina Paul.

...nailigtas ka namin pero hindi na namin nalaman kung ano talaga ang nangyari sa iyo noon. Nang nakuha ka namin, hindi ka na nagsasalita. Takot ka sa aming lahat. Hanggang sa nakausap ka na ng doctor pero wala kang maalala. Hindi mo kami nakikilala. Ang sabi sa amin ng doctor noon, maaaring nagkaroon ka ng isang psychogenic amnesia at iyon din siguro ang dahilan kung bakit wala kang maalala sa pagkabata mo."

Ramdam ko ang paghigpit ng hawak ni Paul sa kamay ko.

"Ano pong ginawa niyo kay Tita Sylvia noon, Tito?" Nagsalita na rin si Kael.

"Handa na akong pagbayarin siya sa mga pinaggagawa niya sa batas noon pero alam niya kung sino ang mga kahinaan ko. Ginamit niya noon si Nichole. Napakabait ng Mama mo, Sherlyn, dahil siya mismo ang pumilit sa akin na huwag ng ituloy. Wala raw kasalanan si Nichole kaya pati siya ay hindi na rin dapat pa madamay.

Pagkatapos ay itinago ka na nila sa akin. Sinabi sa akin nina Alex na pinalitan din nila ang pangalan mo pero hindi nila sinabi sa akin kung ano. Sinubukan kong pilitin silang sabihin kung nasaan kayo ni Sheila pero sabi nila, mas mabuti na raw na hindi ko alam. Dahil kung alam ko, siguradong ipapahanap ko kayo. Malaki rin ang tiwala at pasasalamat ko kina Vangie at Andrew sa lahat ng ginawa nila para sa inyo ng Mama mo. Ganoon na rin sa mga magulang mo, Paul. Napakaswerte ko na may mga tapat kaming kaibigan ni Sheila."

Patuloy pa rin ang pag-iyak ko. Malaki pala talaga ang utang na loob ko kina Tita Vangie at Tito Andrew, maliban pa sa pagpapalaki at pag-aalaga nila sa amin.

Hindi ko alam kung anong iisipin ko kay Ma'am Sylvia pero alam kong galit ako sa lahat ng mga ginawa niya.

"Patawarin mo ako, anak. Kasalanan ko ito. Marami akong pagkukulang sa inyo ng Mama mo. Pero kahit ganoon, maniwala ka man o sa hindi, si Sheila lang ang minahal ko mula noon at mamahalin ko hanggang sa magkita kaming muli sa kabilang buhay."

Sinasabi niya iyon habang nakaluhod na sa harapan ko.

Mas lalo akong napaiyak sa sinabi niya para kay Mama. Niyakap ko siya. Ito ang unang pagkakataong nayakap ko ang Papa ko sa alaala ko.

"Wala po kayong kasalanan. Ginawa niyo naman po lahat-lahat ng magagawa niyo. Sinubukan niyo po kaming i-give up para sa kaligtasan namin pero may nangyari pa ring hindi maganda. Sinubukan niyo po kaming ipaglaban pero may nangyari pa ring hindi maganda. Alam ko po kung gaano kayo nahirapan sa posisyon niyo at hindi ko po kayo sinisisi, Papa..."

Tuluyan na rin umiyak si Papa at niyakap ako nang mahigpit. Ramdam ko ang paghihirap niyang tiisin na hindi kami makita. Alam ko kung gaano kahirap tiising hindi makita ang mga taong mahal mo sa buhay.

Kung ganoon niya nga kasobrang mahal si Mama, hindi ko maisip kung gaano kaya kasakit at kahirap sa kanya nang malamang wala na si Mama at hindi niya man lang magawang makita hanggang sa huling pagkakataon si Mama.

At si Mama, ano kaya ang huli niyang naiisip bago niya kami tuluyang iwan? Ni hindi niya nakita si Papa sa loob ng ilang taon hanggang sa huling sandali niya. Ni wala rin ako sa tabi niya sa mga sandaling iyon.

Nanginginig ang loob-loob ko sa mga naiisip ko.

Kung ako ang nasa posisyon ni Papa at ganoon ang nangyari sa amin ni Paul, ikamamatay ko iyon sa sakit. Ni hindi ko ma-imagine ang sakit. Hindi niyo deserve ito, Mama at Papa.

Nakangiti akong tumigin kina Kael at Paul na parehong namumula na rin ang mga mata.

Nagulat na lang kami nang may marinig kaming nabasag malapit sa glass door.

Kaya napatingin kaming lahat doon.

Alam kong sabay-sabay na lumaki ang mga mata namin nang makita ang taong umiiyak din at nakasagi ng babasaging figurine roon.



"NICHOLE!!!"



Halos sabay-sabay at gulat naming tawag sa kanya.

His Personal DriverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon