[5]
Sherlyn's POV
"Good evening, hijo!" Bati ng matandang babae kanina na kumausap sa akin, sabay nagtatakang tumingin sa akin.
Mukhang napansin naman agad iyon ni SirNget kaya nagsalita na siya.
"Manang, pakidala na lang po siya sa magiging kwarto niya. Siya na muna ang papalit kay Manong Kaloy."
Nagpalipat-lipat lang ang tingin sa amin ng manang. Nagkibit-balikat lang ako.
"Ah ganoon ba. Sa kanya ba iyong maleta na hinatid dito kanina ng gwardiya?"
Tipid na tumango lang si SirNget.
"O sya, sige. Halika na hija sa kwarto para makapagpalit ka na rin ng damit."
Sumunod na lang ako. Tiningnan ko rin muna si SirNget na paakyat na ng hagdan. Papunta siguro sa kwarto niya.
Paul's POV
"Manang, lumabas na ho ba si Sherlyn?"
"Hindi ko napansin, hijo. Hindi pa rin ba siya naghahapunan?"
Umiling lang ako habang umiinom ng tubig.
"Sige, tatawagin ko na lang baka nahihiya pang magsabi."
Tumango lang ako at sinimulan ang hinain niyang pagkain.
"Sir, tawag niyo po ako?"
Napatigil ako sa pagkain at napatingin sa kanya. I will rephrase it... napatitig sa kanya.
Sherlyn's POV
Napakunot-noo na lang ako. Bakit ganito makatingin itong si Sungit? Bawal bang mag-jogging pants at t-shirt dito?
Ganito naman talaga pantulog ko. Dapat ba naka-gown ako?
"Sir?" Tanong ko ulit sa kanya.
Parang nabigla naman siya at binalik na lang ang pansin niya sa pagkain. Okay, ako na ang hangin dito. Nanatili lang akong nakatayo at hinihintay kung ano ang iuutos niya.
'Yung totoo, driver ba talaga ako o bago niyang katulong? Tumingin siya uli sa akin na nakataas ang isang kilay.
"Are you going to stand there forever?" Sungit talaga!
"Sir? Ano po ba sanang ipagagawa niyo sa akin? May kailangan po kayo?"
Tumaas na naman ang kilay niya. Grabe! Hindi ko naman nanay si Madam Auring eh!
"Eat."
Eh iyon naman pala. Gusto niya lang ako kumain...
Pakiramdam ko lumaki ang mga mata at tainga ko sa narinig ko.
Hindi nga? Seryoso?
Rinig ko ang biglang pagtunog ng tiyan ko. Narinig din kaya ni Sungit? Nakakahiya!
"Don't give me that look. If you don't want to eat, then you can leave." Sabi ng masungit na gwapo.
Grabe talaga. Wala naman akong sinabing ayaw kong kumain. Nagulat lang naman ako.
"Sige po, salamat po. Kuha na lang po ako sa kusina tapos doon na rin po ako kakain."
Tatalikod na sana ako nang magsalita muli si Sungit.
"Nilagyan ka na ni manang ng plato dito sa lamesa. Diyan ka na kumain."
Napatingin ako sa lamesa. May nakahain na ngang plato sa tapat niya. Pero sa harap niya ako kakain? Baka naman hindi ko malunok nang maayos ang kakainin ko niyan.
Try ko humirit pa ulit.
"Ehh kaso po, sir... sigurado po bang okay lang? Hindi ba po dapat hindi sumasabay sa amo ang empleyado kapag kakain?"
Tumingin siya sa akin nang malalim. Nakakatakot talaga siya. Alam kong sobrang gwapo niya pero ang hirap naman na araw-araw parang horror ang life ko. Dahil nakakatakot ang kasungitan nitong bagong amo ko.
Sabay tumayo siya.
"Tapos na akong kumain."
At walang lingon-lingong umalis ang nagmemenopause kong amo. Sige Sherlyn, mag-inarte ka pa kasi. Ang sungit sungit talaga!
Kain na nga lang ako. Grabe! Ang daming pagkain. Hinimas ko ang tiyan ko. Sulit ang pagtitiis mo tiyan ko. Yes, tummy! Lulubusin natin ang mga nakikita ko sa harapan ko ngayon.
BINABASA MO ANG
His Personal Driver
RomanceWARNING: Nakakakulo ng dugo. Not suitable for readers with high blood pressure. HAHAHAHA Enjoy reading! BurningRain's Originals.