[ 29 ]
Sherlyn's POV
Parang napako pa rin ako sa kinatatayuan ko habang pinapanood lang ang mga sumunod na galaw ni Kael. Humalik muna ito sa pisngi ng babae.
"Hi, Tita Sylvia..."
Ngumiti naman ito sa kanya. Bakit ganoon? Kahit nakangiti siya, nakakatakot pa rin ang itsura niya?
"Michael, it's been a long time. Where's Paul Gabriel?" mataray niyang sabi kay Kael. Grabe. Ni hindi nya lang muna kinamusta si Kael. Napakamot lang ng ulo si Kael.
"In his office, Tita."
Ibinaling naman sa akin ni Ma'am Sylvia ang tingin niya. Tinaasan na naman niya ako ng kilay.
"And who are you? Why are you still standing there?"
Napatingin naman ako kay Kael na parang humihingi ng tulong.
"Oh, Tita. She is Paul's secretary..."
"Really?" sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa.
Ramdam kong nagtatayuan na naman ang mga balahibo ko sa katawan.
"Y-Yes, Ma'am..." kinakabahan kong sagot.
"So you're dating Paul's secretary? Additional to your collections huh, Michael?"
"Tita!" gulat na sagot ni Kael.
"Dalhin niyo ko kay Paul Gabriel. I want to talk to him."
Hindi ko alam pero napalunok na lang ako. Naglalakad na kami papuntang elevator. Nakasunod lang kami sa kanya ni Kael habang 'yung mga nadadaanan naming mga empleyado ay bumabati sa kanila ni Ma'am Sylvia.
Tumatango sa kanila si Kael pero itong kasama namin ay diretso lang ang tingin. Parang walang kasamang ibang tao. Kami lang ang nasa loob ng elevator dahil hindi na nakisabay ang ibang empleyado na sasakay rin sana. Nasa likod niya pa rin kami.
Hindi ko namamalayang napapahigpit na pala ang kapit ko sa damit ni Kael. Tumingin lang siya sa akin at alanganing ngumiti. Hindi niya rin maitago ang kaba niya para sa amin.
Bakit ba siya nandito? Alam na ba niya ang totoo?
Ano ba talaga ang kaya mong gawin, Mrs. Sylvia Valencia??
Paul's POV
Five minutes na lang before my next meeting. Nasaan na ba siya? Don't tell me nag-eenjoy na naman siyang kausap ang lokong iyon! Sh*t.
Bakit ba kinakabahan ako ngayon? Di ko maintindihan. Meeting lang naman ang meron ako ngayon.
I'm busy arranging papers on my desk when someone knocks on the door.
"Sherlyn, bakit ngayon ka lang? I need all the..."
"Paul Gabriel..."
Napahinto ako sa ginagawa ko at napatingin sa nagsalita.
F*ck. Hindi nga ako nagkakamali. Nakita ko rin sina Kael at Sherlyn na nasa likuran niya. Tumayo ako para batiin siya.
"Tita Sylvia...
"It's good to see you, my son-in-law."
Tsss. Ako hindi.
"What brought you here, Tita?"
Pero hindi niya sinagot ang tanong ko.
"Cancel his meeting, young lady. We'll talk." Ma-awtoridad niyang sabi.
BINABASA MO ANG
His Personal Driver
RomanceWARNING: Nakakakulo ng dugo. Not suitable for readers with high blood pressure. HAHAHAHA Enjoy reading! BurningRain's Originals.