HPD 28

268K 3.5K 58
                                    

[ 28 ]


Sherlyn's POV


Ilang araw kong hindi nakikita si Paul. Epic nga eh. Nasa iisang bahay naman kami sana. Ako pa rin ang personal secretary niya sa opisina pero hindi niya muna ako hinayaang pumasok kahit anong pagpupumilit ko. Ano pa magagawa ko? Eh siya ang boss...

"Good morning po, Manang Pilar."

"Magandang umaga rin, hija. Halika na sa kusina para makapag-agahan ka na."

Sumunod naman ako kay Manang papunta sa kusina.

"Gising ka na pala, Sherlyn." Nakangiting bati naman sa akin ni Sir Anthony. Well, hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung anong itatawag sa kanya.

"Magandang umaga po."

"Halika, kumain ka na rin dito. Hindi ba paborito mong almusal ang sinangag at pulang itlog?"

Napataas ang kilay ko sa narinig ko. Paano niya nalaman iyon? Napatingin naman ako kay Manang Pilar na napakibit-balikat na lang. Umupo na lang ako at pinasabay na rin ni Sir Anthony si Manang Pilar sa amin kumain.

"Mukhang maganda talaga ang gising nitong si Anton, hija. Siya ang tumulong sa akin sa pagluto ng mga ito."

Halos masamid naman ako sa sinabi ni Manang Pilar. Hindi ko na lang pinahalata dahil agad akong humigop ng kape saka ngumiti sa kanilang dalawa. 'Yung totoo? Anong nangyayari?


Hindi pa rin maalis sa isip ko ang eksena kaninang umaga. Lately ko pa napapansin ang pag-iiba ni Sir Anthony. Kung hindi ako nagkakamali, nagsimula ito noong makaalis na si Nichole. Bumalik na ulit si Nichole sa New York dahil may kailangan pa siyang asikasuhin doon habang si Sir Anthony ay nagpaiwan muna rito.

Napalingon ako nang makarinig ako ng kalabog mula sa loob. Nasa garden kasi ako ngayon at nagpapahangin.



Paul's POV


"Did I already tell you to send Engr. Velasco to them as the representative of this company?"

"Y-Yes, S-Sir..."

"Then what happened?"

"S-Sir, Engr. Velasco had an emergency that day and..."

"Great! So he already told you that he has this damn kind of emergency at hindi mo lang naman ipinaalam sa akin para sana nakapagpadala ng ibang taong pwedeng mag-close ng deal! And worst, hindi man lang kayo nagtangkang mag-isip ng alternative plan?" Inawat naman ako agad ni Kael.

"S-Sorry, S-Sir..." Nakayukong sabi naman ng isa sa mga empleyado ko.

"Pare, calm down."

"D'you think I can calm myself here? Dammit! Alam ba nila kung gaano kalaki ang pwedeng mawala sa kompanya sa simpleng katangahan lang nila?!"

Umalis na ako sa loob ng conference room at tumuloy sa opisina ko. Sh*t! Halos mahigit isang linggo lang akong nawala sa kompanya, ilang katangahan na agad ang nagawa nila!

"Pare, magpahinga ka nga muna." Sinundan pala ako ni Kael dito.

"Tsss. Ilang araw nga lang akong nawala, ganitong tambak na ang problemang binalikan ko rito."

His Personal DriverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon