Pagpasok ni Mika sa kwarto hindi agad siya nakatulog. Natutulog na lahat maliban sa kay Ara at Kim na busy sa twitter. Napansin naman ng mga to na lutang si Mika.
Kim: Anyare Ye? *nakatingin pa din sa twitter*
Mika: Kimmy*dreamy voice*
Ara: *itinigil ang ginagawa* Bestfriend nasinghot mo ba lahat ng usok kanina?
Mika: Bestfriend *dreamy voice pa din*
Kim: *itinigil na din ang ginagawa* Ye! Isa pa! Sarap mong kutusan.
Mika: Kinikilig akoooooooooo *nakasmile ng todo*
Ara: Anung ginawa niyo ni Jeron? Umamin ka! *tinignan ng masama si Mika*
Mika: Sshhh..bestfriend anu ka ba!? Wag kayo maingay. *ikwinento ang sinabi ni Jeron*
FLASHBACK
Jeron: I don’t want to be your bestfriend anymore.
Mika: *Shocked* B-bakit? *naluluha*
Jeron: *faces Mika* I want to be your guy. Your man. The one who will hold your hands and will keep them warm. Gusto kitang maka-monthsary at maka-anniversary. Gusto kitang tawaging Babe, mahal, honey, love o sweetheart. Gusto kitang ayain magdate hindi lang dahil gutom ako o ikaw. Gusto kong manuod ng laro mo at mainterview para sabihin na ako si Jeron Alvin Teng, hindi na ako ang bestfriend ni Mika Aereen Reyes, ako ang mahal niya. Gusto kitang pasayahin,alagaan at mahalin.
Mika: *shocked, hindi makapagsalita*
Jeron: Ye nagpromise ako na magiging bestfriend mo lang ako kasi gusto kitang protektahan. Gusto kong lagi akong nasa tabi mo para pasayahin ka pero kahit anong gawin ko hindi kayang talunin ng pagiging bestfriend ko yung pagmamahal ko para sayo.
Mika: Je
Jeron: Kung nabigla ka sorry. Alam ko ilang months palang kayo nagkahiwalay ni Kief pero Ye ayaw ko ng mahuli, not this time.
END OF FLASHBACK
Kim: *napahawak sa noo* Seryoso ba to?
Ara: Hindi! Joke lang lahat to! Ate Wensh lang ang peg Kim?
Mika: *nakasmile lang*
Kim: Oh ano nang nangyari Ye? Pinayagan mo na manligaw?
Mika: Sabi ko sa kanya magpaalam muna.
Ara: Kanino naman? Eh di ba nga sa kanya dapat nagpapaalam mga manliligaw mo?