*Mika went straight to Kim and told her what happened.
Kim: Ye ano ba? Ano ba talagang gusto mo?
Mika: Kim…
Kim: Ye sa huli baka ikaw ang masaktan. Umayos ka. Mawawala si Vic, Ye hindi ko kayang sapuin ka mag-isa. Hindi ko kayang makita na pagdadaanan mo na naman yun. Same guy, same feelings.
Mika: What should I do?
Kim: I don’t know. Pero huwag mong kalimutan ang hirap mo para lang makumbinsi ang sarili mo na tama ang naging desisyon mo na pakawalan siya. Halos patayin mo ang sarili mo kakatrabaho para lang maging occupied ka. Sa akin ka nakikitulog kasi ayaw mong malaman nila na ilang buwan mong iniiyakan si Jeron. Sinubukan mong baguhin ang sarili mo kasi gusto mong magbago din ang takbo ng puso mo.
*umiiyak na si Mika*
Kim: Ye alam ko naman eh. Alam ko kahit ayaw mong aminin, si Jeron pa rin. Kahit na gaano natin gustong kalimutan, meron talagang isang tao sa buhay natin na hindi maaalis. Hindi mo siya ma-alis sa buhay mo kasi kadugtong na siya ng buhay mo. Ibinigay mo sa kanya ang puso mo ng matagal ng panahon at wala kang lakas para bawiin ‘yon.
Basta Ye, kung si Kiefer man o si Jeron o kahit sino pang lalaki sa mundong ito, pag hindi mo na kaya sabihin mo lang itatakas kita sa lahat ng ka-lechehan ng mundo.
Mika: *hugs Kim* Salamat talaga Kimmy. The best ka.
Kim: Oh, ayusin mo na sarili mo. Magshades ka, wag mong ipapakita yang mga mata mong mugto lalo na kay Victonara.
Mika: Uu. On-leave pa siya sa pagsapo sa akin.
Kim: Tama, kaya overtime ako.
*After mag-usap nag-ayos na sila at sumunod sa mga kasama para magbreakfast.
Kiefer: Babe sorry kagabi ah.
Mika: Sorry din.
Kiefer: Wala ka naman kasalanan babe. Ako yung nag-inititate.
Mika: Basta sorry.
Kiefer: Okay na tayo babe ah.
Mika: Yeah. Let’s go with them.
*Lumapit na sila sa mga kasama. After eating nagrest sila sa rooms nila. After 3-4 hours nakarecieve sila ng text from Thomas inviting them to have a swim at the beach.
Nandoon na ang lahat maliban kay Mika. Meron silang cottage malapit sa dagat kaya doon sila nagkwekwentuhan.
Ipinakilala ni Jeron si Alex sa mga kasama. Si Alex ay isa ring bakasyonista na nakilala ni Jeron kanina. Instead kasi na magpahinga pagkatapos kumain namasyal muna siya. Nagkakilala sila ni Alex sa isang sports items shop. Nagkagaanan sila ng loob, nagkwentuhan then inaya siya ni Jeron to join them. Magaan din ang loob ng barkada kay Alex kaya hindi naman ito na-a-out of place.