Kinabukasan katulong ni Mika si Kiefer sa paglilipat at pagaayos ng gamit sa condo niya.
Mika: Babe may lakad ako bukas ah.
Kiefer: Saan?
Mika: Pupunta ako kanila tita.
Kiefer: Tita? Saan?
Mika: Uhmm, kanila Jeron. Dadalawin ko parents niya.
Kiefer: Bakit?
Mika: Eh kasi diba last na uwi ko hindi ko sila nadalaw dahil dun sa nangyari sa amin ni Jeron, nagpromise ako na sa susunod kong uwi dadalaw na ako sa kanila. Ibibigay ko na rin yung mga pasalubong.
Kiefer: Ikaw lang mag-isa?
Mika: Parang awkward naman kasi kung isasama kita di ba?
Kiefer: No, I mean…
Mika: Wala si Jeron doon, di ba nakacondo na siya.
Kiefer: Okay. Hindi kita maihahatid ah kasi may meeting kami with coach. Pero susunduin kita.
Mika: Huwag na babe. Ill bring my car.
Kiefer: Okay. Drive safely ha.
Mika: Opo.
Kiefer: Are you sure ayaw mong palitan tong bed mo?
Mika: Bakit? Anong problema sa bed ko?
Kiefer: Pang-isang tao lang kasi.
Mika: Isa lang naman ako.
Kiefer: Paano kung makisleep over ako, san ako matutulog?
Mika: Naku babe, bawal ka magsleep dito.
Kiefer: Bakit?
Mika: Malakas pagnanasa mo sa akin, hahaha
Kiefer: Good boy naman ako eh.
Mika: Eh di sa sofa ka.
Kiefer: Hmpf!
Mika: Arte! Actually papalitan ko talaga ito para kung sakaling magpunta sila Kimmy dito kasya kami.
Kiefer: So pwede din ako?
Mika: Oo
Kiefer: Talaga?
Mika: Oo, basta wala ako.