FOUR - Mr. Stranger becomes Mr. Mushroom

80 2 0
                                    

Umaga na naman. 


Panibagong araw. 


Naglalakad na ako papuntang school. Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko ngayon. Nakakapagtaka dahil nakatulog ako ng maayos kagabi, ni hindi ko na nga naalala yung nangyari kahapon e. Ni hindi man lang sumagi sa isip ko. Siguro may kung anong super powers talaga yung lalaking iyon at nahawa ako kaya ganun ang nangyari.


Siguro naawa sa akin si Lord noong nakita niyang umiiyak ako kaya nagpadala siya nang taong tutulong sa akin.


"Bulaga!"


"Ay nakakapagpabagabag!" sigaw ko dahil sa gulat ng may bigla na lang sumulpot sa harapan ko habang naglalakad ako


"Wow! Ganyan ka ba talaga kapag nagugulat? Tongue twister yung sinabi mo a." nakangiting sabi nya. Paano naman niya nalamang tongue twister iyong sinabi ko?


"Ikaw na naman? Kabute ka ba? Bakit ang hilig mong sumulpot na lang basta-basta?" sarkastikong tanong ko at saka nagpatuloy sa paglalakad. Sumunod naman sya at saka sumagot,


"Kabute? Ako? Gwapo ko namang kabute, pero sige from now on ako na ang mushroom mo." Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi niya. Kakaiba talaga ang isang ito, hindi lang pakielamero, medyo may pagka-self-centered din.


Napailing-iling na lang ako, "Hoy! Anong ikaw na ang mushroom ko na pinagsasabi mo dyan?" singhal ko sa kanya habang nakahalukipkip.


"Wag ka nang umangal!", nakangiting saad niya saka ako inakbayan, "...basta starting today, you will call me 'mushroom' or pwede ring 'my mushroom'. Ikaw na lang ang pumili." Napatigil ako dahil sa mga sinabi nya at siya naman nagdiretso na sa paglalakad. Baliw ba talaga ang isang ito?


Seryoso ba talaga siya? Eh kakikilala pa lang namin a, ni hindi ko pa nga alam ang pangalan nya e. What's with this guy, really? Bigla-bigla na lang siyang dumating sa pinaka hindi ko inaasahang pagkakataon tapos ito siya at parang kusang ini-o-offer ang sarili niyang maging sandalan ko.


Hindi ko alam kung coincidence bang dumating siya o ito yung pampalubag-loob ng tadhana para kahit paano'y mabawasan ang paninisi ko sa kanya, maalin man sa dalawa, nagpapasalamat pa rin ako. Ngayon pa lang ang laki na nang epekto niya sa sakit na nararamdaman ko. Sana lang hindi ko pagsisihan na sumandal ako sa kanya.


Napabuntong-hininga na lang ako. Mas maganda siguro kung hahayaan ko na lang muna ang mga nangyayari ngayon. Isa pa, wala pa akong lakas na mag-isip nang matino sa ngayon. Masyadong magulo ang sitwasyon at pati na rin ang nararamdaman ko.


"Hoy mushroom, hintay lang!" sigaw ko at saka ko siya hinabol. Lumingon naman siya at saka ngumiti. Feeling ko nanginig ang mga tuhod ko dahil sa ngiti niyang iyon.


Nakarating na kami sa classroom. Konti pa lang ang tao dahil maaga pa. Dumiretso na ako sa upuan ko at siya naman ay dun sa upuan niya sa may likuran ko.


Bumaling ako sa pwesto niya, "Kaklase ba talaga kita?" kunot-nong tanong ko sa kanya


"Oo. Bakit ayaw mo ba?" sagot niya sabay labas ng isang libro mula sa bag niya,


I pouted, "May sinabi ba ako? Masama bang magtanong? Nakakapagtaka lang naman kasi ngayon lang kita nakita." Lampas tatlong buwan na kaming pumapasok pero kahapon ko lang talaga sya nakita.


Sure naman ako na aware ako sa lahat nang nangyayari sa paligid ko kaya nakakapagtaka talaga na hindi ko alam na kaklase ko pala siya.


"I am an exchange student from Canada. Kahapon lang ako dumating dito." Sabi nya habang nagbubuklat dun sa librong hawak nya.


Exchange student? Bakit di ko ata nabalitaan yun? Saka kahapon lang sya dumating, e bakit sabi nya palagi syang tumatambay dun sa ice cream parlor na pinuntahan namin? Hmp. Gulo nito! Mas magulo pa siya sa nararamdaman ko ngayon e.


"Talaga? Galing kang Canada? Eh bakit ang galing mong mag-tagalog?" Curious lang naman ako. Bihira lang ako maka-encounter ng foreigner na magaling mag-tagalog at hindi ko talaga mapigilang ma-amazed sa kanila.


"Half-Filipino kasi ako saka dito din naman ako lumaki. Six years pa lang naman akong nakatira sa Canada." Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga sinasabi nya. Sobrang straight siya mag-tagalog although mukha nga siyang may ibang lahi. Para siyang artista.


"Ganun? E di ibig sabihin hindi ka din magtatagal dito?" tanong ko ulit habang patuloy lang sya sa pagbabasa,


"Hmm. Depende." Sagot nya


"Bakit naman depende?" tanong ko ulit


"Eh bakit ang dami mong tanong?" sagot nya saka sya tumingin sa akin.


"Para nagtatanong lang e." nasabi ko na lang saka humarap na sa may unahan.


Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ako dapat maging close sa kanya dahil hindi naman sya magtatagal dito. Siguradong aalis din sya at iiwan ako kung sakaling maging matalik na magkaibigan kami. Ayoko na ulit maiwan.


Mahirap ma-attach sa isang tao lalo na kung alam mo namang may hangganan rin iyon. Hindi naman sa ayaw ko siyang maging kaibigan pero kapag dumating iyong araw na kailangan na niyang bumalik sa pinanggalingan niya at masyado na akong attach sa kanya, siguradong hindi magiging madali para sa akin ang pakawalan siya.


Sige, ngayon pa lang iiwasan ko na siya.

------------

-syeshaaa-

Broken-Hearted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon