Maingay ang buong klase dahil wala pa si Miss Martinez. May meeting kasi sila ng mga faculty members ngayong umaga para sa Annual Foundation Ball ng school namin. Ito na ang pangalawang beses kong makakasali sa Foundation Ball. Ginaganap yun taun-taon sa mismong araw na itinayo ang school na ito.
Lumingon ako sa may likuran ko para tingnan si mushroom. Nakasubsob ang mukha niya sa armchair niya. Natutulog siguro siya. Hmm.. Pagtripan ko kaya?
Tumayo ako saka lumipat sa tabi niya. Ano kayang pwede kong gawin? Kung hipan ko kaya ang tenga niya? Baka hindi rin siya magising. Kung kurutin ko kaya ang pisngi niya? Tama! Yun na lang ang gagawin ko. Pinipigilan kong matawa habang inilalapit ko ang kamay ko sa pisngi niya pero bago ko pa mailapat ang kamay ko ay bigla na lamang siyang gumalaw para iiba ng pwesto ang mukha niya. Sayang! Dahil mukhang malalim ang tulog ni mushroom e naisipan ko na lang na bumalik na sa upuan ko. Tatayo na sana ako nang biglang hilahin ni mushroom ang kamay ko dahilan para mapabalik ako sa pagkakaupo.
"Ano ba? Basta ka na lang nanghihila diyan. Paano kung hindi ako nasalo nitong upuan?" mahinang pag-angal ko
Nananatili pa ring nakasubsob ang mukha ni mushroom pero this time ay sa armchair na inuupuan ko na siya nakasubsob.
"Sorry." Naisagot na lang niya
"Hindi ka ba nakatulog kagabi? Bakit antok na antok ka yata? Okay ka lang ba?" idinampi ko ang palad ko sa noo niya para tingnan kung may lagnat ba siya pero wala naman.
"I'm fine, just stay here beside me. Okay?" saad niya saka hinawakan ang kamay ko.
"Ah, m-mushroom yung.. yung kamay ko." Naiilang na sabi ko habang hinihila ang kamay ko pero mas lalo niya lang hinigpitan ang pagkakahawak dito. Hindi naman sa pinagdadamot ko yung kamay ko. Hindi ko lang kasi maintindihan kung bakit ganito kalakas ang kabog ng dibdib ko sa tuwing hahawakan ni mushroom ang kamay ko. Hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko.
Hinayaan ko na lang hawakan niya ang kamay ko habang nakasubsob ang mukha niya sa armchair. Sa akin nakaharap ang mukha niya kaya naman mas lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko. Sobrang lapit niya kasi sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit kahit naiilang ako e parang gustong-gusto ng mga mata ko ang titigan ang mukha niya.
Wala naman sigurong masama kung titigan ko siya, magkaibigan naman kami at isa pa nakapikit naman siya. Hindi niya malalaman na tinititigan ko ang mukha niya. Ang gwapo pala talaga ni mushroom lalo na pag ganito siya kalapit. Makinis at maputi ang balat niya, matangos ang ilong at napakaganda ng mga mata niya kahit pa nakapikit siya. Nadako ang tingin ko sa labi niyang akala mo'y pinahiran ng lipstick dahil mapula ang kulay nito. Bigla kong naalala ang ginawa niya noong pumunta kami sa isang theme park at sa hindi ko malamang dahilan ay bigla na lang akong napalunok at naramdaman ko rin ang biglang pag-init ng mga pisngi ko. Hindi ako makapaniwala na si mushroom ang magiging first kiss ko.
"Why are you smiling like a crazy little rabbit there?" nagulat ako nang magsalita si mushroom na nakamulat at nakatitig sa akin. Nakangiti ba ako? Bakit hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako? Teka, bakit nga ba ako napangiti?
BINABASA MO ANG
Broken-Hearted Girl
Ficção Adolescente"The best way to move on is to fall inlove again." - Faith