"Mama bakit po hindi pa sya nagigising? Kung dalhin na kaya natin sya sa ospital?" nag-aalalang tanong ko kay Mama habang naka-tingin kay mushroom na nakahiga sa kama ko. Nawalan sya ng malay kanina dahil siguro sobrang lamig na lamig na sya. Bakit kasi nagpaulan sya. Hay! Kasalanan ko ito e, dapat pala kinausap ko na lang sya.
"Masyadong malakas ang ulan anak, walang sasakyang dumadaan. Hindi natin sya madadala sa ospital. Oh ito ilagay mo sa noo nya.." iniabot sa akin ni Mama ang bimpo na inilubog nya sa maligamgam na tubig tapos ay piniga ng bahagya. Ipinatong ko iyon sa noo ni mushroom.
"..hintayin na lang natin na magising sya. Bababa muna ako at magluluto ako ng sopas para may kakainin sya paggising nya." Pagpapaalam ni Mama saka lumabas na sa kwarto ko.
Idinampi ko ang likod ng palad ko sa pisngi ni mushroom at naramdaman ko ang napaka-init na pisngi nya. Ano bang mayron ang isang ito at ganun na lang sya sa akin? Ni hindi nya pa nga ako kilala pero sobra ang pagbibigay nya ng atensyon sa akin. Wala syang pakialam kahit magkasakit sya para lang makausap ako, ang bagay na kahit kailan ay hindi ko naranasan kay Vin.
Noon sa tuwing nag-aaway kaming dalawa ni Vin, palaging ako ang sumusuyo sa kanya, palaging ako ang humihingi ng sorry kahit wala naman akong nagagawang mali. May nagsabi pa nga sa akin na ang tanga-tanga ko daw kasi halata naman daw na hindi ako mahal ni Vin tapos nagtsa-tsaga pa ako sa kanya. Hindi ko na lang sila pinapansin, mahal ko kasi talaga si Vin noon.
Muli kong tiningnan ang mukha ni mushroom. Napaka-gwapo talaga ng foreigner na ito. Ano kaya ang tumatakbo sa isip nya? Nananaginip kaya sya? Bakit kaya hindi pa sya nagigising? Tumingin ako sa wall clock sa kwarto ko at nakit kong alas nuebe na. Magda-dalawang oras na syang tulog. Napabuntong-hininga na lang ako, hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko dahil sa nagyari sa kanya. Bakit ba kasi ang tanga ko?!
"Mushroom, sorry ha. Dahil sa 'kin nagkasakit ka. Gumising ka na naman oh. Bati na tayo, papansinin na ulit kita, kakausapin na ulit kita basta gumising ka lang dyan. Sobrang nag-aalala na ako sa'yo." Pinunasan ko ang luhang pumatak mula sa mata ko. Kung alam ko lang na magkakaganito sya sana pala kinausap ko na lang sya bago ako umuwi.
"Hoy ate!" napaiktad ako ng bigla akong gulatin ni Josh.
"Ano ba Josh?! Kita mo ng may natutulog dito, gumagawa ka pa ng ingay!" sigaw ko dahil na rin sa pagkagulat
"Sus! Ikaw nga ang gumagawa ng ingay e! Saka kanina lang gusto mo na syang magising tapos ngayon pinapagalitan mo ako at baka magising sya. Ano ba talaga ate?" sabi nya sabay upo sa upuan sa may study table ko. Ang kulit talaga ng isang 'to.
"Tsk! Lumabas ka na nga, manggugulo ka lang dito e!" saad ko habang patuloy pa ring nakupo sa tabi ni mushroom.
"Ikaw nga ang magulo dyan e. Ano bang pangalan nyang kaklase mo? Kaklase mo ba talaga yan?" sunod-sunod nyang tanong habang nakatitig kay mushroom mula sa kinauupuan nya.
Paano ko naman kaya sasabihin sa kanya ang pangalan ni mushroom e hindi ko nga rin alam kung anong pangalan nya?
"H-ha? Oo naman. Bakit ba ang dami mong tanong? Saka kelan ka pa naging tsismoso?" naisagot ko na lang dahil hindi ko din naman alam kung anong isasagot ko sa tanong nya
BINABASA MO ANG
Broken-Hearted Girl
Teen Fiction"The best way to move on is to fall inlove again." - Faith