Last night was really a memorable one for me and I can't stop myself from smiling. Ano ba itong nararamdaman ko? I hope it's not bad. Kaibigan ko si Adrianne, yon lang yon. Imposibleng ma-inlove ako sa kanya. Pero paano kung inlove na nga ako? Nababaliw na ako. Bakit ko ba iniisip yon? We're just friends. That's all.
Wala kaming pasok ngayon para daw makapaghinga kaming mga estudyante. Hindi naman ako napagod kagabi dahil sa sobrang kaligyahan. Medyo bored na ako sa bahay dahil wala naman akong ibang magawa kaya naisipan kong lumabas. Pupunta na lang siguro ako sa park. Bitbit ang bag kong may lamang libro at picnic mat ay nagpaalam na ako kay Mama saka lumabas. Maglalakad lang ako dahil malapit lang naman ito sa bahay namin.
Gusto ko sanang yayain si mushroom kaya lang nahihiya ako. Hindi ko alam kung paano ako haharap sa kanya pagkatapos ng nangyari kagabi. Umiyak ako sa harap niya dahil nalaman kong aalis na siya. Nakakahiya dahil hindi ko alam ang sasabihin ko kung magtanong man siya kung bakit ba talaga ako umiyak. Hindi ko rin naman kasi alam kung bakit ayaw ko siyang umalis. Maybe because nasanay lang talaga ako sa presence niya.
O dahil in-love ka na sa kanya?
Umiling ako dahil sa tanong na iyon na pumasok sa isip ko. Imposible yon.
Pero paano nga kung in-love na pala ako kay Adrianne kaya ayaw ko siyang umalis?
Hay! Ewan.
Pumasok ako sa park at naghanap ng mapu-pwestuhan. Konti lang ang tao ngayon. Inilatag ko ang dala kong picnic mat sa ilalim ng isang puno. Mabuti na lang at maulap ngayon kaya hindi gaanong mainit. Inilabas ko ang dala kong libro at bubuksan ko na sana iyon nang mapatingin ako sa bandang kaliwa ko at nakita ko si mushroom na mabilis na naglalakad. Lalapitan ko sana siya pero nagulat ako nang makita ko si Vin na nakasunod sa kanya. Papunta sila sa direksyon ko kaya naman mabilis akong tumayo para magtago.
Bakit kaya sila magkasama? Magkakilala ba silang dalawa?
"Adrianne let's talk. Don't turn your back on me." Sabi ni Vin at halata mong galit siya. Naramdaman kong tumigil sila sa tapat ko. Bakit dito pa? Baka makita nila ako. Isiniksik ko pa ang sarili ko sa likod ng puno para hindi nila mahalata na may tao dito.
"I told you! I'm not giving her back to you." Si mushroom naman ang narinig ko. Ngayon ko lang siya narinig na ganun magsalita at ngayon ko land din siya nakitang magalit. Nag-aaway ba sila? Ano namang pinag-aawayan nila? Close ba silang dalawa? Ang daming tanong sa isip ko kaya naman nakinig na lang ako sa pinag-uusapan nila baka sakaling nandun ang sagot.
"I'm not asking you to give her back to me because she is not yours to begin with. Gusto ko lang layuan mo na siya because I'm taking her back to me." Sino bang pinag-uusapan nila? Naguguluhan ako.
"Yeah, maybe she's not mine but she is not yours as well. Iniwan mo siya, you don't know how hard it is for her. You don't know what she's been through after you gave her up. And now you would say that you want her back just like that? She's not a toy my dear brother." Teka? Brother? Magkapatid sila? Si Adrianne at si Vin, magkapatid? Ano ba ito? Paano nangyare yon? Paano sila naging magkapatid?
BINABASA MO ANG
Broken-Hearted Girl
Novela Juvenil"The best way to move on is to fall inlove again." - Faith