EIGHTEEN - Step Three

27 1 0
                                    



Gulat at pagtataka ang agad na naramdaman ko matapos kong marinig ang sinabi niya. Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko o baka imagination lang yon ng tainga ko. Parang no'ng nakaraang araw ko lang sila nakitang sobrang saya na magkasama tapos nandito siya ngayon sa tabi ko at sinasabing nag-break na daw sila ng babaeng dahilan kung bakit broken-hearted ako ngayon.


Gusto kong matawa sa sinabi niya dahil imbes na matuwa ako sa paghihiwalay nila ay parang unti-unti kong nararamdaman ang galit. Para saan ang pag-iyak ko? Para saan ang pagpapakahirap ko? Para saan ang pagkawala ni Tamtam? Para saan ang lahat ng ginawa ko?


Ang tanga ko! Ngayon ko lang na-realized na ang tanga-tanga ko pala. Ako na ang pinaka-tangang tao sa mundo dahil sinayang ko lang ang oras ko sa kanilang dalawa. Lahat. Lahat ng pinaghirapan kong gawin makalimutan lang siya ay nabaliwala dahil sa sinabi niya.


Alam niyo yong pakiramdam na halos lahat ng makakaya mo e ginawa mo na, napagod ka, umiyak at nasaktan pero lahat ng yon pala e para lang sa wala. Yung tipong hindi worth it ang mga pinagdaanan mo para sa gusto mong marating. Mas gugustuhin ko pa yatang marinig na ikakasal na sila kesa malaman na nag-break na sila.


"Kelan pa?" biglang naitanong ko. Hindi ko rin alam kung bakit yon ang lumabas sa bibig ko.


"Last week." Maiksing sagot niya.


Matagal ulit kaming natahimik. Wala na kasi akong maisip na pwedeng sabihin. Dapat ko ba siyang i-comfort? Ano kayang nararamdaman niya sa mga oras na'to? Nasaktan din kaya siya kagaya nang naramdaman ko? Umiyak din kaya siya? Sino bang nakipag-hiwalay at bakit ba sila naghiwalay? Hay! Dapat ko pa bang alamin yon? Ano bang pwedeng kong sabihin?


"Alam mo sa totoo lang hanggang ngayon masakit pa rin sa akin yung ginawa mo. Syempre sino ba namang hindi masasaktan kapag nalaman mong hindi ka naman pala mahal nung taong mahal na mahal mo, di ba? Pero dahil sa sinabi mo imbes na matuwa ako lalo lang yatang nadagdagan yung galit na nararamdaman ko. Alam mo bang.."


"Alam ko. Alam ko kung anong mga pinagdaanan mo at nakita ko lahat yun. Kaya nga siguro ginusto ko na din ang kausapin ka at sabihin sa'yo yung tungkol sa break up namin ni Judi. Nakita ko lahat Faith at sa tingin ko iyon ang naging dahilan kung bakit mas pinili kong iwan si Judi."


Wow! Just wow! Sino ba sa akala niya ang lalaking ito at kung makapang-iwan siya ng babae e akala mo sangkatutak na permit ang binigay sa kanya? Hindi niya ba alam kung gaano kasakit ang ginawa niya kay Judi? Pwedeng galit nga ako kay Judi pero hindi naman ako ganoong kasama para hilingin na maramdaman niya rin ang naramdaman ko.


"Sorry for everything Faith. I know this is too insane to say but I want you back."

****

"Hey! Miss Broken, kanina ka pa tulala diyan! Tell me, what happened? May ginawa ba siyang masama sa'yo? Ano bang pinag-usapan niyo?" kanina pa paulit-ulit na tinatanong sa akin yan ni mushroom. Ang kulit-kulit niya!


Huminga ako nang malalim at saka siya tiningnan.


Broken-Hearted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon