"Miss Broken." Tawag sa akin ni mushroom ng dumaan ako sa may harap nya sa hallway papunta sa classroom namin. Hindi ko sya pinansin at nagtuloy-tuloy lang ako sa paglakad papasok sa classroom.
Isang linggo ko na syang iniiwasan at hindi pinapansin after nung ginawa nya sa theme park. Hinalikan nya ako ng basta-basta na lang, hindi ko alam kung bakit nya yun ginawa. Alam kong tinutulungan nya akong maka-recover sa break up namin ni Vin pero mali naman atang mag-take advantage sya sa akin. Kahit naman ata sinong babae e magagalit kapag hinalikan na lang basta-basta.
Pagpasok ko sa classroom, pumunta na agad ako sa upuan ko. Kagaya ng mga nakaraang araw may nadatnan na naman akong box ng chocolate at kapirasong papel na may nakasulat na sorry. Kanino pa ba manggagaling ito? Sabihin nyo nang masama ako pero lahat ng binigay nyang chocolate ay pinapakain ko sa mga classmate ko tapos yung papel naman e tinatapon ko na lang.
"Thank you Faith ha. Pakisabi sa secret admirer mo, salamat dito." Sabi ng classmate kong si Mina pagkaabot ng chocolate sa kanya.
Hindi alam ng mga classmate ko na kay mushroom nanggagaling ang mga yun, kapag nagtatanong sila sinasabi ko na lang na may secret admirer akong nagpapadala nun.
Napatingin ako sa may pintuan at nakita kong pumasok si mushroom. Tumingin sya sa akin kaya naman nag-iwas agad ako ng tingin. Dumaan sya sa may gilid ng upuan ko dahil sa may likuran ko yung upuan nya. Isubsob ko na lang yung mukha ko sa mga braso ko para hindi nya ako kulitin.
Hindi naman talaga ako ganung kagalit sa kanya, gusto ko lang na ma-realized nyang mali yung ginawa nya at hindi na dapat nya yun ulitin pa.
***
Uwian na at naglalakad na ako papunta sa bahay. Hindi ako mag-isa ngayon kahit wala akong kasabay maglakad. Alam ko kasing sinusundan ako ni mushroom pero hindi ko na sya iniintindi pa, isang linggo na nyang ginagawa yan, ang sumunod sa akin sa paglalakad pauwi. Ayoko muna syang kausapin ngayon.
Napadaan ako sa may 7/11 sa may kanto malapit sa amin. Pumasok muna ako dun para tumingin ng mga bagong libro, may ilan din kasing librong tinda dun. Mahilig rin kasi akong magbasa. Pagpasok ko hindi ko inaasahan kung sinong makikita ko. Si Vin at si Judi, nakaupo sila sa may dulong upuan. Kumakain ng ice cream.
Huminga ako ng malalim tsaka dumiretso sa loob. Nag-promise ako na kakalimutan ko na sya, na aalisin ko na sya sa buhay ko kaya dapat kahit nakikita ko sya ay hindi ako magpaapekto. Pumunta ako sa pwesto ng book shelve pero wala yung book shelve duon.
"Miss excuse me, asan na yung book shelve nyo?" tanong ko pagkalapit ko sa cashier sa may counter
"Nilipat po namin sa may dulo mam. Katapat po nung dulong table." Sagot nya
"Ah. Sige, thank you." Kapag sinuswerte ka nga naman. Iba talaga maglaro ang tadhana, talagang duon pa kung saan sila nakaupo.
Naglakad na ako papunta dun sa may dulong table at tama nga, andun na yung book shelve. Mula sa kinatatayuan ko ay nakita kong napatingin sa akin si Vin, sya kasi yung nakaharap sa direksyon ko. Hindi ko sya pinansin at nagdiretso lang ako ng tingin. Kinakabahan akong naglakad papalapit sa book shelve na malapit sa kinauupuan nila.
BINABASA MO ANG
Broken-Hearted Girl
Teen Fiction"The best way to move on is to fall inlove again." - Faith