Bumalik na lang ulit ako sa classroom namin dahil naiinis talaga ako kay mushroom. Kung minsan talaga may pagka-baliw siya. Ang hirap basahin ng mga nasa isip niya. Hindi naman talaga ako galit e, naiinis lang dahil sinira niya 'yong date namin este ewan. Nahawa na tuloy ako sa pagkabaliw niya.
Agad kong ibinukas ang pinto ng classroom at nagulat dahil wala pa ring tao. Tiningnan ko ang oras sa relo ko, alas diyes na pero bakit wala pa rin ang mga kaklase ko? Eh yung teacher kaya namin bakit wala pa rin? Lumabas na lang ulit ako at natanaw sa di kalayuan si Miss Martinez, siya yung adviser namin. Nagmadali akong lumapit sa kanya dahil mukhang palabas na siya ng school.
"Miss Martinez." Tawag ko kaya naman agad siyang napalingon sa akin.
"Oh Miss Castillo, anong ginagawa mo rito?" otomatikong napakunot ang noo ko dahil sa tanong ni Miss Martinez sa akin. Hindi ba't siya ang may sabi na may make-up class kami ngayon? Well hindi siya mismo dahil tinext lang ako nung president ng klase namin kagabi na may make-up class daw kami at sabi daw iyon ni Miss Martinez.
"Ah. Dumaan lang po ako, naiwan ko po kasi yung payong ko kahapon." Pagdadahilan ko na lang.
"Ganun ba? Mukhang parehas pa tayong makakalimutin. May naiwan rin akong files dito kahapon kaya ako bumalik. Paano? Mauna na ako Miss Castillo, umuwi ka na rin dahil wala kang kasama dito. Mag-ingat ka." Pagpapaalam niya
"Opo Miss. Ingat din po kayo." Pagkaalis ni Miss Martinez ay nagmadali akong bumalik sa rooftop dahil siguradong nandoon pa si mushroom. Lagot talaga siya sa akin! May pa-make-up class make-up class pa siyang nalalaman. Nagawa na naman niya akong utuin.
Hindi ko na inintindi ang pagod at halos pagkaubos nang hininga ko dahil sa dali-dali kong pag-akyat papunta sa rooftop. Malalagot talaga sa akin si mushroom kapag naabutan ko siya dito. Pinga-tripan na naman ako ng isang iyon.
"Mush---" naputol ang pagsigaw ko nang mapansin ang pamilyar na pigura ng isang lalaki na nakatayo malapit sa may railing na agad namang nagbigay nang kaba sa puso ko. Hindi ako pwedeng magkamali, kilalang-kilala ko siya kahit pa likod lamang niya ang nakikita ko. Hindi maaaring namamalik-mata lamang ako dahil bawat detalye niya, mula ulo hanggang paa ay saulado ko. Ano kayang ginagawa niya dito?
Unti-unti ay nararamdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Naku! Mali yatang bumalik pa ako dito. Bakit ba ganito pa rin ang epekto niya sa akin? Bakit parang balewala lahat ng ginagawa ko para makalimutan siya? Isang tingin ko pa lang sa kanya eto na naman ang puso kong walang tigil sa mabilis na pagtibok. Yung feeling na gusto ko siyang lapitan at yakapin dahil miss na miss ko na siya. Yung feeling na kahit tumayo ako dito sa likuran niya maghapon e wala akong pakialam basta matitigan ko lang siya.
Sh*t! Faith ano ba yang pinag-i-iisip mo? Niloko ka niya di ba?
Gustuhin ko man siyang kausapin sa tingin ko ay hindi muna sa ngayon. Mas mabuti sigurong umalis na lang ako dahil baka hindi ko na talaga mapigilan ang sarili kong yakapin siya. Maling-mali yun at isa pa ayokong masayang yung mga pinaghirapan namin ni mushroom para lang makalimutan ko siya. Well, hindi ko pa naman talaga siya nakakalimutan pero alam kong malapit na.
BINABASA MO ANG
Broken-Hearted Girl
Teen Fiction"The best way to move on is to fall inlove again." - Faith