Uwian na pero parang ayaw ko pang umuwi. Gusto kong kausapin si Vin, gusto kong malaman kung anong dahilan nya. Gusto kong malaman ang totoo. Feeling ko kasi hindi ako makakahinga nang maayos hangga't hindi ko nalalaman kung ano talaga ang dahilan niya.
Gusto kong malaman dahil gusto kong maayos ang lahat. Siguro nabigla lang siya. Siguro may mabigat siyang problema at ayaw niyang madamay ako kaya niya iyon ginawa. Mahal ako ni Vin at nararamdaman ko iyon, ganun din ako sa kanya kaya gagawin ko ang lahat para matulungan siya sa kung ano mang pinagdadaanan niya. Ganun naman talaga dapat kapag mahal mo ang isang tao di ba? Dapat sinusuportahan mo siya palagi. Sana lahat nang naiisip ko ay tama dahil kung may iba pang dahilan hindi ko alam kung kakayanin kong tanggapin iyon.
Vin, ano bang nagawa ko sayo? Nagsawa ka na ba sa akin? Hindi mo na ba ako gusto? Hindi mo na ba ako mahal? O baka may mahal ka ng iba?
Ang daming tanong ang umiikot sa utak ko. Unti-unti ay pumatak na naman ang mga luha ko. Sana, sana mali ang huling tanong na rumehistro sa utak ko. Ayoko, hindi ko matatanggap kung iyon nga ang dahilan niya.
Nagpasya na akong lumabas ng classroom. Hahanapin ko si Vin. Kakausapin ko sya at makikipag-ayos ako sa kanya. Hindi ako papayag na mawala siya sa akin. Masyado na akong attach sa kanya para pakawalan siya nang ganun-ganun lang.
Naglakad na ako papunta sa classroom nila. Naglalabasan na rin yung mga classmate nya. Hindi ako makasilip sa loob dahil ang daming dumadaan sa pintuan. Sarado naman yung mataas na mga bintana kaya hindi rin ako makakasilip dun para tingnan kung andun pa sya sa loob. Di bale, hihintayin ko na lang sya dito sa labas. Ito lang naman ang pwede niyang daanan palabas ng classroom na ito. I'm sure makikita ko siya.
Wala ng mga estudyanteng lumalabas sa classroom nina Vin pero hindi ko sya nakitang dumaan. Baka naman hindi na siya pumasok kanina? Baka ganun nga. Di bale pupuntahan ko na lang sya sa kanila, total kilala na naman din ako ng Mama nya.
Kahahakbang ko pa lang ng isang paa ko nang makarinig ako ng boses mula sa classroom na iyon.
"Mahal kita Judi, iniwan ko na nga si Faith para sayo e." ang boses na yun. Hindi ako pwedeng magkamali. Kay Vin ang boses na yun. Teka, tama ba ang narinig ko? Hindi ako gumalaw sa pwesto ko at hinintay kung ano pa sasabihin niya.
"Ta-talaga? Iniwan mo na si Faith?" sabi ng boses ng isang babae. Tila naging isang estatwa ako dahil hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Totoo ba ang mga narinig ko? Iniwan ako ni Vin para sa ibang babae? Nagsimula na namang tumulo ang mga luha ko. Nanlambot ang mga tuhod ko at naramdaman ko ang biglang panunuyo ng labi ko. Mayroong malaking bara sa lalamunan ko at patuloy ang masakit na pagtibok ng puso ko.
Bakit? Bakit ginawa niya sa akin ito? How could he do this to me? How could he break my heart just like that? Ang sakit. Hindi na ako makahinga sa sobrang sakit ng dibdib ko. Humawak ako sa dingding dahil pakiramdam ko matutumba na ako anumang oras.
"Oo Judi, kasi ikaw naman talaga ang mahal ko, napagpustahan lang naman namin ni Japeth si Faith e. Atat na atat na nga akong mag-anim na bwan kami para mahiwalayan ko na siya. Natalo kasi ako pustahan namin ni Japeth nuon at ang parusa ko ay ang maging girlfriend si Faith ng anim na buwan." Pakiramdam ko mas lalong bumigat ang pakiramdam ko matapos marinig ang sinabi niya. May mas sasakit pa ba don? I just can't believed this is happening. Sana panaginip lang ito.
"Totoo ba lahat ng yan Vin? Akala ko, teka, naguguluhan ako." Sambit ulit ng babaeng hindi ko naman kilala.
"Totoo lahat yun. Maniwala ka." Sagot ulit ni Vin.
Hindi ako makapaniwala at kahit kailan yata hindi ko magagawang papaniwalain ang sarili ko. Ako? Pinagpustahan lang? Anong akala nila sa akin isang bagay? Baraha? Pera? Walang nararamdaman?
Kaya ba ang saya-saya namin kahapon? Ito ba ang kapalit noon? Masyado bang sumobra ang kasiyahang naramdaman ko kaya sinisingil ako ng tadhana ngayon? Hindi naman ako madamot, pwede naman akong mag-share kung sinong nangangailangan ng kasiyahan pero bakit ganito? Bakit parang milyong beses ang katapat na sakit nang isang araw nang sobrang kaligayahang naramdaman ko?
Hindi ko na ulit sila narinig na nagsalita ulit kaya naman humarap ako sa may pinto at dahan-dahang naglakad papunta doon. Siguro nga tanga ako, nalaman ko na ang totoo pero eto ako gagawa pa rin ng paraan para makausap ko ang lalaking nang-iwan sa akin dahil sa ibang babae. Siguro nga tanga ako dahil kahit narinig ko na nang maayos ang lahat, gusto ko pa ring ipakita sa mga mata ko ang dahilan kung bakit nasasaktan ako ng ganito.
Agad kong binuksan ang pinto at hindi ko inaasahan ang nakita ko, naghahalikan silang dalawa. Hindi nila napansin ang pagdating ko dahil tuloy-tuloy lang sila sa gingawa nila. Gusto ko silang lapitan at paghiwalayin. Gustong kong hilahin ang buhok ng babaeng iyon dahil sa pang-aagaw nya sa akin kay Vin. Gusto ko silang buhusan ng kumukulong tubig dahil sa ginawa nila sa akin.
Pero lahat ng iniisip ko ay tila sa akin lahat nangyari. Napakasakit. Ito na yata ang pinakamasakit na sinaryong nakita ko sa tanang buhay ko. Sobrang sakit na gusto ko ng mamatay sa kinatatayuan ko dahil sa nakikita ko. Mga walangya sila! Wala silang kasingsama! Paano nila nagawa sa akin ito? Bakit? Bakit nila ginawa sa akin ito? Hindi man lang nila inisip ang mararamdaman ko! Mga walangya sila!
Hindi ko na nakayanan pa ang nakikita ko. Tumakbo ako palayo sa classroom na iyon, palayo sa kanila, palayo sa kutsilyong sumaksak ng napakaraming beses sa puso ko. Sana mamatay na lang ako, sana mabagok ang ulo ko at magka-amnesia ako para makalimutan ko ang lahat ng nangyare ngayon. Pero utak naman ang makakalimot at hindi puso kung magka-amnesia man ako. Sana mamatay na lang ako! Sana mamatay nalang ako para wala na yung sakit na nararamdaman ko.
Napaupo na lang ako sa sahig sa may hallway dahil nawalan na ng lakas ang mga tuhod ko sa pagtakbo. Parang sirang gripo ang mga mata ko dahil walang tigil sa pagpatak ang mga luha ko. Ang sakit. Ang sakit-sakit nang ginawa nila. Mahal ko si Vin, mahal na mahal ko si Vin.
Hindi ko kaya! Hindi ko kayang tanggapin ang dahilan niya. Ayoko! Hindi siya pwedeng mawala. Hindi niya ako pwedeng iwan. Mahal niya ako e, sabi niya mahal niya ako at hindi niya ako iiwan.
Nangako siya sa akin e, sabi niya nandito lang siya lagi sa tabi ko. Pero nasaan na siya? Bakit iniwan niya ako?
"Tama na yan. Hindi mo sila dapat iniiyakan."
**********
Comment ka ha?.. Please :)
-syeshaaa-
BINABASA MO ANG
Broken-Hearted Girl
Teen Fiction"The best way to move on is to fall inlove again." - Faith