FOURTEEN - Dancing in the rain...

47 5 0
                                    

Matapos ko syang tanungin ay nakita kong unti-unting nabanat ang mga labi nya sa magkabilang dulo dahilan upang makita ko ang mga ngipin nyang nangingintab sa puti. Hindi man nya sabihin ay alam ko na ang ibig nyang sabihin sa matamis na ngiti nyang iyon. Alam kong masaya sya dahil sa sinabi ko at masaya din naman ako dahil alam kong tutulungan nya ako pero hindi ko alam kung kakayanin ko.


Nanatili lang kaming magkaharap at nakatingin sa mata ng isa't-isa. Hindi ko pa rin maiwasang isipin kung paano nya nagagawang patahanin ako sa tuwing umiiyak ako. Ako pa naman yung tipo ng tao na kapag umiyak akala mo nasirang gripo yung mata ko. Siguro ay may super powers talaga sya.


"Thank you Miss Broken for trusting me." Hindi ko namalayan na nakalapit na pala sya sa akin at bigla nya akong niyakap.


Muli ko na namang naramdaman ang pagkailang na naramdaman ko rin kanina nang bigla nyang kunin ang kamay ko para punasan ng panyo nya. Bakit ba ako naiilang sa kanya? Siguro dala lang ito ng mga nakita ko kanina at pati na rin ng nararamdaman ko.


Maya-maya pa ay kumalas na sya sa pagkakayakap sa akin at saka tumingin sa mga mata ko.


"You won't regret trusting me." Bigkas ulit nya.


Hindi ko maintindihan kung ano ang nararamdaman ko habang binibigkas nya ang mga salitang iyon habang nakataingin sya sa akin. Parang may parte sa akin na nagsasabing huwag akong masyadong mag-tiwala sa kanya. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit naiisip ko ang bagay na iyon pero mas mahalaga sa akin ngayon ay nandyan sya sa tabi ko.


Dahan-dahan kong itinaas ang kanang kamay ko at hinawakan ko sya sa ilong nya. Pinisil ko yun ng sobrang higpit at nakita ko naman ang biglang pagpikit nya dahil siguro sa sakit. Naririnig ko ang pag-angal nya kaya lang hindi ko maintindihan yung sinabi nya.


"Ang cute-cute mo talaga mushroom." Natatwang sabi ko at saka binitiwan ang ilong nyang namumula.


"Masakit yun ha! Bakit mo ginawa yun?" saad nya habang hinihimas yung ilong nya.


Hindi ko mapigilan ang matawa sa itsura nya, mukha syang batang inagawan ng lollipop.


"Masakit ba? Eh di gumanti ka kung kaya mo." Tapos ay tumakbo ako para hindi sya makaganti sa akin.


"Kung kaya pala ha. Lagot ka kapag nahuli kita." Narinig ko pang sigaw nya tapos ay nakita ko na lang na tumatakbo sya papalapit sa akin.


Binilisan ko ang takbo ko baka maabutan nya ako, ipinaglihi pa naman sa paa ng kabayo yung mga paa nya. Tumakbo ako papunta sa gitna ng flower field. Kung kanina ay hindi ko ma-recognize kung anu-anong mga bulaklak ang mga nandito, ngayon ay alam ko na kung ano ang mga iyon.


May iba't-ibang kulay ng Daisy, may ilang roses, may sunflower sa bandang dulo na hindi pa naman ganung kataas, sa may bandang kanan ko ay may mga lavander at sa kaliwa naman ay ang napakaraming Tulips na iba't-iba ang kulay. Napakaganda talaga ng lugar na ito. Sana ay pwede akong tumira dito.

Broken-Hearted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon