I have been out of school for straight three days at ngayon pa lang ulit ako papasok. Well, I don't have any plans on going to school today but I don't want to fail kaya pinilit ko ang sarili kong pumasok. Isa pa, nag-aalala na sina Mama at Papa sa akin at ayoko namang pati ako ay maging problema pa nila. Three days akong hindi halos lumalabas at nagmumukmok lang sa kwarto ko.
Sa loob ng three days na iyon, wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak at sisihin ang sarili ko sa lahat ng nangyari. It was all my fault because I fell on their trap. At sa loob ng three days, doon ko rin na-realized kung ano iyong mga pinagsasabi sa akin ni Adrianne noon sa roof top, noong araw na ibinigay niya sa akin yung malaking panda kapalit ni Tamtam.
"I'm sorry Miss Broken. Sorry for everything."
"Because I'm stupid. I'm a jerk, the biggest jerk on earth. I'm sorry."
"Basta sorry. Just always remember that everything I've shown you and did for you was pure and true. Ginawa ko 'yon ng kusa at bukal sa loob ko kasi gusto kong sumaya ka. "
"The day will come for you to understand what I'm saying. When that day comes, I'm allowing you to hate me. Tss! Of course you'll surely will."
"When that day comes Miss Broken, don't ever forget that I'm really sorry."
So this is what he is talking about. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit nandoon si Vin noong araw na yon at pati na rin yong mga sinabi niya. But it won't change anything inspite of me knowing it all now. Besides, I am not angry, I'm hurt. Sana noon pa lang sinabi na kaagad niya sa akin ang totoo. Matatanggap ko pa yon.
Malapit na ako sa classroom nang makita ko si Adrianne sa labas. Oh, please, he is the least person I would want to see right now. Gustuhin ko mang wag tumuloy sa classroom hindi pwede dahil kakabalik ko lang at kailangan kong maghabol sa mga lessons dahil malapit na ang sem-break. Nilampasan ko na lang siya pero syempre alam kong susunod siya sa akin.
"Faith I'm sorry. Please, kausapin mo naman ako." Hindi ko siya pinansin. Ayoko nga siyang makita e makausap pa kaya? He had all time in the world para sabihin sa akin ang lahat but he choose not to. Higit kanino man ay siya ang nakakaalam ng lahat nang pinagdaanan ko noong niloko at iniwan ako ni Vin kaya higit kanino man siya dapat ang unang makakaalam na ayoko sa mga manloloko.
Umupo ako sa upuan ko, nilagpasan naman ako ni Adrianne dahil doon siya nakaupo sa may likuran ko.
Nagbaba ako nang tingin sa writing board ng upuan ko dahil may inilagay na papel si Adrianne doon. Binuklat ko ang papel,
Can we talk, please? I'm really sorry.
Nilukumos ko sa aking palad ang papel saka iyon itinapon sa basurahan. Kinuha ko ang bag ko saka pumunta sa may unahan. Nilapitan ko si April at binati. "Hi, April." Nag-angat siya ng mukha para tingnan ako. "'oy Faith, may kailangan ka ba?" I smiled at her. "Pwede ba tayong magpalit ng seat? Medyo malabo na kasi ang mata ko at hindi ko na makita nang maayos ang nakasulat sa board." I lied. Gusto ko lang namang iwasan si Adrianne. Ayoko siyang makita o makausap man lang at ayoko ring kinukulit niya ako dahil wala siyang mapapala sa akin.
"Ganun ba? Okay sige." Nagpasalamat ako sa kanya saka umupo nang lumipat siya sa upuan ko.
BINABASA MO ANG
Broken-Hearted Girl
Teen Fiction"The best way to move on is to fall inlove again." - Faith