CHAPTER 25: Someone's Truth

7 5 0
                                        

_________________________
Present Life
August 19, 2022
Tuesday | 1:17AM
__________________________

Sa kabilang lane, mabilis na dumaan ang truck. Hindi man lang huminto. Parang walang nangyari.

"What the hell..." bulong ni Trace habang hinihimas ang mukha niya.

"Trace, habulin mo yung truck!" Napatingin sila kay Yuen nang sumigaw ito. "Habulin mo, Trace!" ulit niya, this time mas madiin. Parang may kung anong desperasyon sa boses niya na hindi niya rin maintindihan.

Mabilis na bumalik sa wisyo si Trace.

"Fuck..." Agad niyang ini-start muli ang engine.

Pero bago pa niya tuluyang maapakan ang silinyador, lahat sila ay napatingin sa kotseng humarurot sa unahan nila.

Mabilis. Pamilyar. At halos malabo na sa paningin dahil sa ulan.

"I think that's Sir Lorenzo's car," mahinang sambit ni Laureen.

Natigilan si Trace. "What?"

"That's his car," this time mas sigurado na siya.

Trace immediately stepped on the gas. Mabilis na umandar muli ang kotse.

Malakas ang ulan. Halos walang makita sa kalsada.

At sa unahan, palayo nang palayo ang sasakyan ni Lorenzo, ganon din ang truck.

Inside the car, ramdam ang kaba.
No one spoke.
No one dared to.

Then suddenly, napansin ni Laureen. Halos gitgitin na si Sir Lorenzo ang truck para lang mapatigil ito.

Her eyes widened slightly.

"Magpapakamatay ba yang boss niyo?" inis at kinakabahang sambit ni Trace habang mahigpit ang hawak sa manibela.

"Trace..." mahina lang na sambit ni Laureen.

Pero hindi niya rin alam ang sasabihin. Because somehow, she understood Lorenzo's desperation.

Mabilis. Delikado. Halos mawalan na ng kontrol ang dalawang sasakyan sa gitna ng ulan.

Until finally,
Mabilis na tumigil ang truck sa gilid ng kalsada.

Kasunod nito ang sasakyan ni Lorenzo.
Then Trace's car.

Hindi pa tuluyang humihinto ang sasakyan ni Lorenzo ay agad nang bumukas ang pinto nito.

Mabilis siyang lumabas. Galit. Basang-basa agad ng ulan.

"Sir Lorenzo!" sigaw ni Laureen habang bumababa rin sila ng kotse. Pero hindi siya nilingon nito. Diretso siyang lumapit sa driver ng truck.

Bumukas ang pinto nito. At halos matumba sa takot ang driver nang makita si Lorenzo.

"Hindi ko sinasadya!" agad nitong sambit.

"Nag-preno ako, madulas lang talaga!"

"Bullshit!" sigaw ni Lorenzo habang hinahatak ang kwelyo nito. "Halos mapatay mo sila!"

The Life That EchoesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon