EPILOGUE 2

7 5 0
                                        

Bakit nga ba tayo nabubuhay?

Para bilangin kung ilang klase ng ibon ba ang lumilipad sa himpapawid?

Para tuparin ang nga pangarap na nabuo mula pagkabata hanggang sa makatawid?

To experience a lot of things in life?

To find happiness?

To find peace?

To enjoy?

Para bang habang tumatanda tayo,
mas lalo lang dumarami ang dahilan para mapagod.

May mga taong nawawala.
May mga alaala tayong gustong takasan.
May mga gabing pakiramdam natin,
kahit anong pilit natin...
may parte parin ng puso nating naiwan sa nakaraan.

Pero siguro... hindi naman talaga tungkol sa paghahanap ng perpektong buhay ang lahat.

Siguro, nabubuhay tayo...
para may makasabay tayong magpatuloy.

Tahimik ang buong sementeryo.

Mahina lang ang ihip ng hangin habang dahan-dahang gumagalaw ang mga dahon sa paligid.

Nakatayo si Trace sa harap ng isang puntod.

Nakasuot siya ng graduation toga.

At sa tabi niya, si Laureen. Tahimik lang itong nakatayo habang hawak ang maliit na bouquet ng puting lilies.

Rebecca Caragon
July 09, 1957 - August 20, 2022

"Why do you think life was so cruel that it didn't let Diego and Rebecca end with each other?" Trace's voice was soft, eyes still on the grave.

Tahimik na pinagmasdan ni Laureen ang puntod matapos magsalita ni Trace.

Mahina ang hangin.
Makulimlim ang langit.
At sa pagitan nilang dalawa, parang may mga salitang hindi na kailangang sabihin nang malakas para maintindihan.

"I think life just has its own way of letting people decide what to do with their lives..." mahinang sambit ni Laureen habang nakatingin sa pangalan ni Rebecca. "...what to choose, or what to lose."

Napabuntong hininga si Trace.

"Sounds unfair."

A faint smile appeared on Laureen's lips.

"Maybe it is."

At nanahimik silang muli. Dahan-dahang yumuko si Laureen at inilapag ang puting lilies sa harap ng puntod.

"She still loved him anyway," dagdag niya nang marahan. "Even when she left."

Napayuko si Trace.

Because somehow... naiintindihan niya na iyon ngayon.

Na may mga taong umaalis hindi dahil kulang ang pagmamahal.

Kundi dahil natatakot silang isang araw,
hindi na nila kayang magmahal nang tama.

The Life That EchoesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon