Another 15: A Heavy One

83 12 1
                                        

Multimedia: Annys, Lorenzo, Iris
_______________________
Past Life
November 17, 1997
Wednesday | 4:55pm
________________________

Tahimik ang hallway sa likod ng auditorium.

Katatapos lang ng band practice. Isa-isang nagsialisan ang mga estudyante, naiwan pa ang ilang kalat ng cables at tunog ng instruments na unti-unti nang namamatay.

Naglalakad si Annys sa may gilid, hawak ang bag niya, medyo mabagal ang hakbang.

Her head felt heavy, mas mabigat kaysa kanina. Pero sanay na siya. She just needed to take her medicine and get some rest.

"Annys?"

Napahinto siya. Nilingon nya ang tumawag at nakita niya si Iris, nakatayo ilang metro ang layo, nakatingin sa kanya. Hindi ito nakangiti. Hindi rin galit.

Just... observing. Hindi sila close. They just only knew each other because of Yeoj, Iris' older brother.

"Ano yun, Iris?" mahinahon niyang tanong kaya lumapit si Iris ng ilang hakbang.

"I was looking for Kuya," she said. "Sabi nila you guys are here."

"Umalis na sila e," sagot ni Annys. "May pinuntahan si Yeoj with the others." hindi na sya sumama dahil pakiramdam nya ay mas kailangan nya na magpahinga kaya nagdahilan nalang siya kanina para hindi sila mag-alala.

Iris nodded but she didn't leave. Instead, tinitigan lang niya si Annys.

"...Do you need anything, Iris?" she asked, a bit unsure.

"You look pale," diretso nitong sabi.

Annys blinked. "I'm fine," mabilis niyang sagot.

"You don't look fine." There was no hostility in Iris' tone. Just blunt honesty.

Pilit na ngumiti si Annys. "Pagod lang siguro."

Hindi sumagot si Iris. Still watching. Still... noticing. And that made Annys uncomfortable.

"Kung wala na—" she started, ready to leave. Pero hindi siya nakatapos.

Biglang nalang, matinding kumirot ang dibdib niya kaya napahawak siya sa dingding.

"Hey—"

Napayuko siya, mabilis ang paghinga. Her vision blurred.

"Annys?" this time, mas malapit na si Iris.

"I'm okay..." pilit niyang sabi. Pero hindi na siya sigurado.

Kumirot ulit ang dibdib niya, mas malala kaya napahawak siya sa bibig at napaubo.

Isa. Dalawa. Tatlo. Hanggang sa... napatigil siya. Dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay sa bibig niya.

And there it was.

Blood. Fresh. Bright red.

"A-annys—oh my God." Mabilis na lumapit si Iris, gulat na gulat. Agad niyang hinawakan ang braso ni Annys bago ito tuluyang bumigay.

Pero huli na. Nanghina na ang tuhod nya at bumagsak.

Then everything went black.



Tahimik ang clinic.

Nakaupo si Iris sa gilid ng kama, habang nakahiga si Annys. Maputla, mahina, parang walang lakas.

Her eyes slowly opened. Puti na ang kisame. Amoy antiseptic.

The Life That EchoesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon