__________________________
《PRESENT LIFE》
August 9, 2022
Wednesday | 12:34am
_________________________
Marahang sinuntok ni Laureen ang sarili niyang batok, napahikab bago nag-unat ng katawan. Sa wakas, makakauwi na rin siya at makakahiga sa kama. Ramdam niya ang pagod mula sa buong araw.
"C.R. lang ako," paalam ni Trace. Tumango si Laureen, at agad naman itong umalis.
Mag-isa, sinimulan niyang halughugin ang loob ng kanyang bag.
Nasaan na ba kasi ang wallet ko?
Kapag nawala iyon, wala siyang pamasahe pauwi.
Tinanggal niya sa pagkakasakbit ang bag para mas maayos makapaghanap, ngunit biglang may nakabangga rito. Nabitiwan niya iyon kaya tumalsik sa ilalim ng mesa malapit sa kanya at nagkalat ang ibang gamit.
"Sorry, Miss," paumanhin ng isang lalaki na may alalay na lasing.
Tumango na lamang si Laureen. Nang makalabas ang mga ito, agad niyang pinulot ang bag, ngunit napansin niyang may ilang laman itong natapon.
Isa-isa niya itong pinulot hanggang sa-
"Gotcha."
Nang makita niya ang wallet, napangiti siya nang bahagya. Kung hindi pa siya nabangga, hindi pa niya ito mapapansin.
"Is this yours, Laureen?"
Halos mapatalon sa gulat nang lingunin iyon. Nandoon si Sir Lorenzo, hawak ang kanyang notebook na isa sa mga natapon mula sa bag niya.
"Ah, opo," sagot niya, sabay tayo para kunin iyon.
"Kumusta ka?" tanong nito.
Hindi niya alam kung guni-guni niya lang ba pero madalas niyang napapansin na nakatingin sa kaniya si Sir Lorenzo.
At kahit siya, dama niyang may kung anong humihila sa kaniya patungo rito.
"Okay naman na po. Hindi naman po malalim 'yung sugat galing sa basag na bote, kaya mabilis lang gumaling."
"Well, that's good to hear," tugon ni Sir Lorenzo at ngumiti. "Sa susunod, kapag may naencounter ka ulit na ramdam mong wala na sa katinuan dahil sa alak, ipaubaya mo na kanila Trace or Yuen."
Siguro nga ay dahil lang don kaya palagi niyang napapansing nakatingin sa kaniya si Sir Lorenzo. Nothing special.
"Opo, Sir. Mas nag iingat narin naman po ako ngayon." Ngumiti siya. "Isa pa, nagkukusa naman po si Trace na humarap kapag lalaki ang customer." she explained and that made Sir Lorenzo smile a little.
"Mabuti kung ganon. Wag din kayong mahiya magsabi sakin kung may problema dito sa bar. Hangga't nasa tama, I'm always here to depend my people."
That made Laureen's smile softer.
Sana lahat ng owner katulad niya, hindi yung one sided kung tumingin sa isang sitwasyon. Na porket customer ay tama lagi.
BINABASA MO ANG
The Life That Echoes
FantasySome love don't end. They linger-soft, distant, and aching like echoes that refuse to fade. Lorenzo once had a love that felt like forever. Annys was his home, his future, his everything. Until death took her too soon, leaving behind a silence he n...
