_________________________
《Present Life》
August 19, 2022
Tuesday | 12:56AM
__________________________
Hindi pa halos nakakalayo si Trace at Laureen sa Oren Bar ay may natanaw na silang motor na nakatigil sa gilid ng kalsada.
"Is that Cleo and Yuen?" takang tanong ni Laureen.
Trace pulled the car and stopped in front of them. Nang makita sila ni Cleo ay agad na lumiwanag ang mukha nito.
"Thank God you guys stopped, nasiraan kami!" She said, slightly frustrated.
"What happened?" Trace asked then looked at Yuen.
"Di ko alam pare eh, okay pa naman gulong nito kanina." He explained.
Lumabas si Trace ng kotse at maingat na pinagmasdan ang gulong ng motor. Hindi rin nagtagal ay makita na agad nito ang problema.
"Wala ka bang nakakaaway?" napakunot ang noo nila sa tanong ni Trace. Tiningnan niya si Yuen na ngayon ay takang taka.
"Wala 'no, gago ako pero di ako basagularo." depensa niya at naupo kung nasan ang gulong na binubusisi ni Trace, at nanlaki ang mata niya nang makita ito. "What the..."
"Hindi 'to simpleng butas lang, parang sinadya." binuka pa ni Trace ang mahabang butas ng gulong kaya malinaw itong nakita ni Laureen at Cleo. Mahaba ito, parang sinadyang butasin ng blade.
"The fuck, sino namang gagawa nyan?" Yuen asked in frustration.
"Raphael..." their heads all turned to Laureen, all confused. Sandali silang natahimik at napaisip.
"Omg!" at sabay-sabay din silang napatingin kay Cleo. "Not so malabo ah, he looks so dangerous kaya kanina." napayakap pa ito sa sarili nya. "IHHH! So creepy!!"
"At ano namang kinalaman ng motor ko sa Raphael na 'yon?" Inis na sambit ni Yuen.
Pare-pareho silang nagkatinginan at sabay-sabay na napakibit balikat.
Ano nga ba?
"Mabuti pa, sumabay na kayo samin. Same way naman tayo diba?" Laureen insisted. "Is it okay with you, Trace?" she asked.
"Yeah, of course. No problem."
Ibinalik nalang muna nila ang motor ni Yuen sa parking area ng Oren Bar since hindi pa naman sila nakakalayo.
At ngayon, pare-pareho na silang nasa loob ng kotse. Tahimik ang loob nito habang binabaybay nila ang madilim na kalsada.
Sa harap, si Trace ang nagda-drive habang katabi niya si Laureen. Sa likod naman, magkatabi sina Cleo at Yuen.
Hindi madalas sumakay si Cleo sa kotse, kahit meron sila non at gusto s'yang ihatid ng Mom niya sa school nung bata siya ay tumatanggi talaga siya. Ewan niya ba, para siyang hindi makahinga pag nasa loob.
Ganon din si Yuen, mas prefer nya ang motor kahit kaya naman ng pamilya niyang bilhan siya ng kotse. Same reason with Cleo, parang hindi siya makahinga pag nasa loob nito.
BINABASA MO ANG
The Life That Echoes
FantasySome love don't end. They linger-soft, distant, and aching like echoes that refuse to fade. Lorenzo once had a love that felt like forever. Annys was his home, his future, his everything. Until death took her too soon, leaving behind a silence he n...
