CHAPTER 34: Araw-Araw

6 5 0
                                        

Featured Song: Araw-Araw by Ben&Ben

_________________________
Present Life
August 25, 2022
Sunday | 5:47pm
__________________________

"Umaga na sa ating duyan
'Wag nang mawawala"

Tahimik na nakikinig ang buong bar sa pinagsama-samang boses nina Trace, Laureen, Yuen at Michie na ngayon ay nasa gitna ng stage.

"Umaga na sa ating duyan
Magmamahal o mahiwaga"

Nagsimulang tipain ni Trace ang gitara niya, na siyang sinundan naman ng keyboard ni Michie, na siya rin namang sinundan ng pagpatok ni Yuen sa drums.

Bumuntong hininga si Laureen at mahigpit na hinawakan ang mic sa harap niya bago magsimulang kumanta.

"Matang magkakilala
Sa unang pagtagpo..."

Naalala niya ang unang beses na matagpuan niya si Sir Lorenzo dito sa Bar. May hawak itong bote ng beer noon, bahagyang wala sa katinuan dahil sa alak.

Naalala niya pa nung bigla nalang tumulo ang luha nito sa hindi niya malamang dahilan...

pero ngayon, naiintindihan niya na.

"Paano dahan-dahang
Sinuyo ang puso..."

Si Trace naman ang nagbitaw nag kasunod na linya.

Naalala niya nung mga bata pa sila ni Laureen, magkapit-bahay lang sila at madalas silang nag aaway tuwing naglalaro ng bahay-bahayan.

Pero sa tuwing naglalaro ng tagu-taguan, sila ang magkasamang magtatago sa dilim.

At sa tuwing maglalaro ng titso, hindi siya papayag na hindi niya agad maliligtas ito kapag nahuli si Laureen ng mga kalaban.

"Kay tagal ko nang nag-iisa,
Andiyan ka lang pala..."

Bumuntong hininga si Lorenzo at hinawakan ang kamay ni Iris. Napatingin ito sa kaniya at nang magtama ang mata nila, dahan-dahan silang napangiti.

Mas dama nila ang gaan ng dinadala ngayon, hindi na kasing bigat ng dati.

Ang dating durog, ang dating wasak, ang dating sugatan, na silang dalawa lang ang naging sandigan ng isa't isa. Na silang dalawa lang ang nagkaintidihan, na silang dalawa lang ang nagsandalan.

"Mahiwaga...
Pipiliin ka sa araw-araw"

Sabay na lumabas ang boses nina Laureen at Trace.

At nang magtama ang mata nila, pareho silang bahagyang natigilan.

Hindi dahil nakakalimutan nila ang lyrics. Kundi dahil parang may kung anong tahimik na nagbabago sa pagitan nila habang kumakanta.

Hindi na iyon yung dating simpleng pagkakaibigan.
Hindi na rin yung nakasanayan lang dahil magkasabay silang lumaki.

It was softer now.
Deeper.

The Life That EchoesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon