_________________________
《Present Life》
August 14, 2022
Tuesday | 7:18AM
__________________________
Laureen slowly opened her eyes. For a few seconds, she still felt dazed.
Mainit.
'Yon agad ang unang napansin niya.
Mainit ang paligid niya... o mas tamang sabihing, may mainit na katawan na nakayakap sa kanya.
Napakurap siya nang ilang beses bago dahan-dahang mag sink in ang lahat.
Nasa sofa parin sila.
At nasa braso siya ni Trace.
Bahagyang nakasandal ang ulo nito sa ibabaw ng ulo niya habang nakapulupot ang isang braso sa beywang niya. Seems like it instinctively wrapped her while he's asleep.
Nanlaki nang bahagya ang mata niya dahil don.
"What the..."
Mabilis siyang napatingala rito. Mahimbing parin ang tulog ni Trace pero halatang hindi maayos ang pakiramdam nito. Magulo ang buhok. Mabigat ang paghinga. At kahit tulog, halatang pagod na pagod.
Napansin ni Laureen ang bahagyang pagkakakunot ng noo nito.
"Trace..." mahinang tawag niya.
Walang sagot.
Dahan-dahan niyang inangat ang kamay at inilapat sa leeg nito. At agad siyang napatigil.
"Shit..."
Mas mainit.
Hindi na simpleng lagnat lang.
"Trace." This time, mas mariin na.
Bahagyang gumalaw ito at marahang iminulat ang mga mata. Halatang nahihilo pa.
"...Morning," paos nitong sambit.
"Trace, you're literally burning." nag-aalalang sambit ni Laureen kaya napangiwi siya nang bahagya.
"Exaggerated."
"Hindi ako OA ngayon." Umayos siya ng upo at hinawakan ang mukha nito gamit ang dalawang palad. "Are you okay?"
Napamulat ulit si Trace dahil doon.
At dahil sobrang lapit nila ngayon... pareho silang bahagyang natigilan.
Messy hair.
Sleepy eyes.
Morning silence.
And Laureen's hands on his face.
Parang may kung anong kakaiba sa eksenang 'yon na hindi nila pareho alam kung paano pangalanan.
Naunang umiwas ng tingin si Laureen. "Wait here," mabilis niyang sabi habang tumatayo.
"I'll just get your meds."
"Bossy."
"Shut up."
Bahagyang napangiti si Trace kahit masama ang pakiramdam niya habang pinagmamasdan si Laureen na abalang pumunta sa kusina.
BINABASA MO ANG
The Life That Echoes
FantasiSome love don't end. They linger-soft, distant, and aching like echoes that refuse to fade. Lorenzo once had a love that felt like forever. Annys was his home, his future, his everything. Until death took her too soon, leaving behind a silence he n...
