Multimedia: Trace, Laureen, Sir Lorenzo
Featured Song: One That Got Away by Katty Perry
______________________
《Present Life》
August 10, 2022
Friday | 12:37 pm
_______________________
Isang bote na lang ng beer ang natitira at halos paubos na. Nakapatong iyon sa gilid ng stage, kasama ng mga baso na bahagyang may laman pa.
Kinalabit ni Trace ang gitara sa kanyang kamay, random notes filling the quiet air. Sa kabilang banda, marahang pinapatok ni Yuen ang drums, as if lost in some distant thought. Si Michie naman ay nakaupo, ang bass guitar ay nakapatong sa hita niya habang dahan-dahan niyang kinakalabit ang mga string, trying to familiarize herself with the chords of the song na napag-usapan nilang tugtugin.
Habang si Laureen...
Tahimik siyang nakatayo, ang tingin ay nakatutok sa organ sa likod ng stage, katapat ng pwesto ng vocalist, halos kapantay ng drums.
Hindi niya maintindihan.
Hindi pa naman siya kailanman tumugtog ng ganon. She had no memory of ever learning it. Pero bakit... bakit parang may humihila sa kaniya palapit doon?
Parang may kung anong pamilyar.
Parang may alaalang pilit bumabalik, kahit hindi niya matukoy kung saan nanggagaling.
Maybe... hindi pa rin nawawala sa sistema niya ang performance ni Sir Lorenzo kanina.
The way his fingers moved so effortlessly. The way every note felt alive. The melody that lingered. Until now, ramdam pa rin niya.
And as if summoned by her thoughts, pumwesto si Sir Lorenzo sa harap ng organ.
"Hindi pa ba kayo mga lasing? Kaya niyo pa bang tumugtog?" tanong niya sa lahat. Pero kahit para iyon sa grupo, ang mata niya ay diretso kay Laureen.
And Laureen felt it. That quiet pull, that unspoken challenge.
Saglit silang nagkatitigan, just a second too long. And Trace noticed. Hindi niya alam kung bakit, pero napapansin niya na iyon kanina pa.
Every glance.
Every pause.
Every moment that felt... a little too intentional.
"Of course, Sir Lorenzo! That's just a beer, kaya!" biglang sabat ni Cleo, dahilan para mabasag ang tensyon. Nakangiti pa rin siya, kahit halatang naniningkit na ang mga mata niya.
Everyone turned to her. Yuen smirked. "Sus! Ikaw nga yata yung pinaka-lasing sa'tin eh."
"Excuse me!" Cleo scoffed, tumayo pa siya nang bahagya. "I can still play, okay?"
"Then prove it," biro ni Yuen, still lightly tapping the drums.
A faint chuckle escaped Lorenzo before his gaze returned, once again, to Laureen.
"E ikaw?" he asked, softer this time. "Kaya mo bang sumabay?"
Napakurap si Laureen. For a moment, she hesitated.
BINABASA MO ANG
The Life That Echoes
FantasíaSome love don't end. They linger-soft, distant, and aching like echoes that refuse to fade. Lorenzo once had a love that felt like forever. Annys was his home, his future, his everything. Until death took her too soon, leaving behind a silence he n...
