Bakit ba tayo nabubuhay?
Para gumawa ng mga bagay na hindi naman natin madadala sa hukay?
Para gumawa ng mga bagay na pwede nating pagsisihan hanggang mamatay?
Para danasin ang mga pasakit ng mundo?
Para maging rason kung bakit nagpapatuloy ang isang tao?
Para bang buong buhay natin...
paulit-ulit natin iyong tinatanong.
Sa gitna ng pagkawala.
Sa gitna ng sakit.
Sa gitna ng mga gabing pakiramdam natin, tayo nalang mag-isa.
At siguro...
akala natin kailangan muna nating mahanap ang sagot bago tayo matutong mabuhay.
Pero baka hindi naman talaga gano'n.
Baka kaya tayo nabubuhay...
ay para matutunang tanggapin na hindi lahat ng tanong, may kasagutan.
Na may mga taong darating para mahalin tayo,
at may mga taong aalis para turuan tayong magpatuloy.
Na minsan,
hindi natin naililigtas ang mga taong mahal natin.
At minsan din,
tayo mismo ang kailangang iligtas ng panahon.
Nakatayo ang isang lalaki sa tapat ng isang puntod. May hawak itong puting bulaklak.
Lilies.
Tahimik ang buong paligid at tanging simoy ng hangin lang ang naririnig.
Paulit ulit niyang binabasa ang pangalan ng puntod na nasa harap niya.
Annys Caragon
November 9, 1978 - September 18, 1999
"Raphael?"
Napalingon siya sa tumawag sa kanya. At bahagya siyang ngumiti nang makita si Lorenzo, pero mabilis ding nawala iyon.
"Didn't expect to see you here," mahina niyang sambit bago muling tumingin sa puntod.
Naglakad si Lorenzo palapit hanggang sa huminto sa tabi niya.
"Didn't expect you here too."
At pagkatapos non ay hindi na sila umimik.
No insults.
No anger.
No bitterness.
Just silence.
Napatingin si Lorenzo sa hawak nitong lilies.
"She liked those," mahinang sabi niya.
Raphael let out a faint chuckle. "I know."
Then slowly, yumuko si Raphael at inilapag ang bulaklak sa harap ng puntod.
"I used to hate coming here," he admitted quietly. "Pakiramdam ko kasi... kapag pumupunta ako rito, mas nagiging totoo..." Napatingin si Lorenzo sa kanya. But Raphael kept his eyes on the grave. "...that she's really gone."
Humigpit nang bahagya ang panga ni Lorenzo.
Umihip ang malamig na hangin.
At sa di kalayuan, nagsimulang umambon nang bahagya.
"Raphael..." bahagyang tumaas ang kilay nito nang magsalitang muli si Lorenzo. "I heard... nakulong ka raw?"
BINABASA MO ANG
The Life That Echoes
FantasySome love don't end. They linger-soft, distant, and aching like echoes that refuse to fade. Lorenzo once had a love that felt like forever. Annys was his home, his future, his everything. Until death took her too soon, leaving behind a silence he n...
